Paghahagupit ng latigo sa harap ng Madla

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Paghahagupit ng latigo sa harap ng Madla ay ang pagsasadula ng pagpapahirap at pagkamatay ni Kristo na ipinako sa krus. Ginagawa ito ng mga Katoliko na may panata, gaya ng masisilayan sa Pampanga at Rizal. Ang gayong pamamanata ay ang paraan ng mga deboto upang magpasalamat sa mga biyayang natamo nila sa Maykapal.

Kilala ang Cutud sa pagkakaroon ng ganitong gawain. Ang mga namamanata ay nakasuot lamang ng pantalon , may takip ang mukha ng mga deboto, at ang ulo ay may koronang tinik. Ang kanilang katawan ay hinahagupit ng latigo na may mga pako sa dulo.

Ang Katolikong Simbahan ay di sang-ayon sa paghahagupit ng latigo, pagpapapako sa krus at ang iba pang gawain ng mga deboto na may kasaling pananakit sa katawan, sa panahon ng Mahal na Araw.


[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.