Pagdurugo (Bleeding Emergency)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang matinding pagdurugo (hemorrhaging) ay isang krisis na kinakailangang lunasan agad upang mapigil ang pagkaubos ng dugo bago pa ito maging dahilan ng pagkamatay ng tao. Ang normal na tao ay may 10.5 pint ng dugo, kaya ang pagkawala ng kahit 2 pint ay nakamamatay. Kapag nasugatan o nalagot ang isang malaking ugat (major artery), inaasahang magaganap agad ang pagdurugo. Mabagal ang pagkaubos ng dugo kapag may kinalaman ito sa ulser o iba pang pabalik-balik na sakit, subalit makapagdudulot naman ng pinsala sa mga panloob na organ, gaya ng bato at bituka. Karamihan sa mga pinsala na na may kaugnayan sa bituka, matris, at baga ay maaaring pagmulan ng pagdurugo. Mababatid ito mula sa pagdurugo ng mata at tainga; sa pagsususuka o pag-ubo na may kasamang dugo; o kaya ay pagdurugo na nanggagaling sa puke o tumbong.

Mga nilalaman

Pagsusuri sa Sakit

Sa pagsusuri sa pagdurugo (bleeding emergency), sinisikap ng mga doktor na malaman kung saan nagmumula ang pagdurugo, ang dami ng dugong nawala, at kung ang pasyente ay nasa estado ng pagkagulantang. Minsan ay mahirap masuri kung saan nagsisimula ang panloob na pagdurugo. Kinakailangang hanapin kung may kakaibang pamamaga ng organ, may panlalambot, kung may mga galos o pasa sa katawan. Kailangan ding masuri ang mahahalagang senyales presyon ng dugo, ang tibok ng puso at bilis ng pagpapawis, at ang pagkakaroon ng malay.

Ang matingkad at mapulang dugo na nanggagaling sa isang sugat ay may kinalaman sa panganib sa ugat. Nangangailangan ito ng masusing atensiyon. Ang iba pang dahilan ay ang mga sumusunod:

  • Patuloy na pagdurugo kahit na binigyan na ng lunas;
  • Anumang malalim na butas o pagkapunit o sugat;
  • Napigtal o nadurog ang nerbiyos, litid, buto o kalamnan;
  • Nawakwak na balát na kinagat ng hayop;
  • Nabahiran ng lupa o iba pang bagay ang sugat;
  • Bumaon nang malalim sa kalamnan ang isang bagay na matulis o matalas;

Kapag naisaayos na ang pasyente, ang x-rays at iba pang pag-aaral ay kinakailangan upang makita ang pinagmumulan ng panloob na pagdurugo. Maaari ding magpa CT scan o MRI kung may nakikitang posibilidad ng pinsala sa ulo o pagdurugo sa loob ng bungo.

Medikal na paggamot

Unang priyoridad ang pagpipigil o pagpapahinto sa pagdurugo. Kung diniinan na ang ugat at hindi pa rin humihinto ang pagdurugo, kinakailangan nang sumailalim sa isang mabilisang operasyon ang pasyente upang ayusin ang mga nasalantang ugat o daluyan ng dugo at isara ang sugat.

Mahalaga ang susunod na gamutan para sa malalang sugat na nakabuka depende sa pinagmulan nito. Sa maraming kaso, binibigyan ng antibiyotiko ang pasyente upang makaiwas sa impeksiyon. Ang sugat ay nililinis, tinatanggal ang anumang bagay na bumaon o tumusok sa laman, pinapahiran ng pangontra sa baterya ang sugat, at nilalagyan ng bago't malinis na gasa ang sugat.

Halamang Gamot

Inirerekomenda ng mga albularyo na Tsino ang agrimony upang magamot ang mabigat na pakiramdam sanhi ng regla sa mga babae. Ipinapayo naman ng mga albularyong Indian ang bawang bilang gamot sa malalang pagdurugo ng babae. Sinasabing ang gel mula sa bagong putol na sanga ng aloe ay nakapipigil ng pagdurugo at para sa mabilis na paghihilom ng mga sugat.

Wastong Pagkain

Anumang sugat na naging sanhi ng kawalan ng maraming dugo ay maaaring magresulta sa kakulangan sa iron o anemia. Uminom ng bitaminang may iron, at kumain ng pagkaing mayaman sa iron (pulang karne, atay, pula ng itlog, at produktong cereal na may iron) upang makatulong na bumuo ng mga bagong red blood cells. Kailangan din ng protina upang maayos ang mga tisyu. Ang mga pagkaing mayaman sa bitamina K ay ang mga mabeberdeng gulay, gatas at atay.

Iba pang Sanhi ng Pagdurugo

Ang abnormal na pagdurugo ay isang babala ng sakit na kanser aqt hindi nararapat na balewalain. Sa kabutihang palad, ang ibang sanhi ng pagdurugo ay madaling nalulunasan. Halimbawa, ang bahagyang pagdurugo kapag nagsesepilyo ng ngipin ay sanhi ng gum disease. Ang dugo sa ihi ay dahilan sa cystitis, bladder o kidney stones. Para sa mga atleta, ang pagdurugo sa ihi ay resulta ng sobrang pagtakbo. Ang pagdurugo ng tumbong tuwing dudumi ay karaniwan nang dahil sa hemorrhoids, polyps, o pamamaga ng kolon.

Pagpapahinto sa Pagdurugo ng Ilong

Ang hindi mabigat na pagdurugo ng ilong ay humihinto makalipas ang ilang minuto makaraang diinan ang mabutong cartilage na nasa midline ng ilong. Kapag labis ang pagdurugo, kulay na matingkad pula, at tuloy-tuloy na umabot hanggang kinse minuto, ipinapayo ang sumusunod na pangunang lunas:

  • Umupo nang tuwid na ang bahaging itaas ng katawan ay nasa unahan, na hinahayaan ang dugo na lumabas lahat mula sa ilong kaysa pabalikin ito na maaaring mabulunan ang pasyente;
  • Pisilin at diinan ang parehong butas ng ilong sa pamamagitan ng pagpiga sa unahang bahagi ng ilong sa pagitan ng hinlalaki at index finger
  • Maglagay ng yelo noo, sa itaas ng bahagi ng ilong, at sa itaas na bahagi ng leeg
  • Kung dapat na balutin, gumamit ng gasa o istrip ng isang malinis na panyo o anumang tela. Huwag pasukan ng tisyu o bulak ang loob ng ilong. Iwasang tangalin agad ang packing sa loob ng maraming oras. Kung ito ay aga na tatanggalin, maaaring magalaw ang clots at muli na namang magsisimula ang pagdurugo ng ilong.
  • Humingi ng payong medikal kung patuloy ang pagdurugo, lalo na ito ay dahilan sa pinsala sa ulo o ilong, o kung ang pasyente ay mataas ang presyon o mayroon siyang bleeding disorder.

Sanggunian

Reader's Digest Guide To Medical Cures and Treatments

Paunawa sa Babasa
Bagaman malayang sundin ng mambabasa ang nilalaman nito alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon, ipinapayo ng WikiFilipino na kumonsulta pa rin sa doktor o espesyalista. Hindi mananagot ang WikiFilipino sa anumang mangyayari sa mambabasa kapag sinunod ang mga payong pangkalusugan ng akdang ito.


Walang sapat na sanggunian ang akdang ito.
Tumulong na paunlarin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tumpak na pagsipi at sanggunian.
Maaaring subukin o tanggalin ang bagay na hindi matitiyak kung totoo.
Tinatakan ang akdang ito noong Pebrero 1, 2008.

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.