Pagdating ng kanluranin sa asya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sinaunang Ruta ng Kalakalan. Mula pa noong unang panahon ay may namamagitan nang kalakalan sa mga European at Asiano. Ito ay naganap sa pamamagitan ng tatlong ruta:

Hilagang ruta- ito ay nagmumula sa china at dumadaan sa Samarkand at Bokhara ng gitnang Asya hanggang sa constantinople.

Timog ruta- ang sasakyang dagat ng mga mangangalakal ay bumabagtas mula sa india at iba pang dauangan sa asia sa karagatang indian patungong Egypt sa pamamagitan ng red sea.

Gitnang ruta- mula pa rin sa mga lugar na ito sa asia ang iba pang mangangalakal ay tutungo naman sa baybay ng Syria sa daang golpo ng persia.

Ang mga produkto namang ibababa sa daungan na nagtatapos sa gilid ng mediterranean at black sea ay sasakamay naman ng mga italyanong siya namang nagsasalin at nagbibili nito sa mga mangagalakal sa kanlurang europa.

Mga dahilang ng pagdating ng kanluranin:

Nabatid natin na nagkaroon na ng pagtatagpo ang kanluranin at kabihasnang silangan noong unang panahon sa mga naganap na pagpapalawak ng kani-kanilang imperyo. Di naglaon, ito ay nasundan pa nang maganap ang krusada. Ang krusada ay ang mga relihiyosong kilusang nilunsad ng mga kristiyano upang muling mapalaya ang pook kristiyanong sinakop ng muslim. sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng kontak ang europa sa silangan. Nakilala nila ang mga gamit asyano gaya ng mga rekado, porselana, mahahalagang bato at iba pa.

Di naglaon nagkaroon ng mga pagbabago sa mga alituntuning pang ekonomiya ng europa. Naganap ang panahong merkantilismo na nagudyok sa mga kastila, portuges, pranses, at ingles na pumalaot sa karagatan na mangalap ng ginto, pilak at rekado.

Bukod pa sa naganap na kaganapan, nagkaroon din ng malawakang pagbabago sa kabuhayan ng mga european gawa ng paglaganap ng rebolusyong industriyal na pinangunahan ng inglatera. Nagkaroon ng malawakang pagdami ng mga produkto na naging sanhi ng paligsahan sa industriya at komersyo. Ito ang nagbigay daan sa Kapitalismo.

Dahilan sa maraming produksyon ng mga produkto, na di kayang ubusin sa kani-kanilang bansa. Nagsimulang maghanap ng mahihinang lupaing makokolonisa. Dito pumasok ang imperyalismo.

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Pagdating ng kanluranin sa asya. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.