Pagbubunyi sa Araw ng Kababaihan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
IWD logo.jpg

Ipinagdiriwang bawat taon ang Pandaigdigang Selebrasyon ng Araw ng Kababaihan (International Women's Day - IWD) na ginaganap tuwing ika-8 ng Marso. Ang pagdaraos na ito ay kinikilala sa halos lahat ng bansa na may layuning ipagbunyi ang kababaihan sila man ay nahahati dahil sa kanilang pagkakaiba ng wika, kultura, o sa antas ng pamumuhay.

Mga nilalaman

[baguhin] Adhikain

Ipinagmamalaki din ng selebrasyon na ito ang ilang dekadang pagsusumikap ng mga kababaihan na makamit ang pagkakapantay-pantay, katarungan, kapayapaan at paglilinang gayun din ang pag-asam na magkaroon ng bahagi sa lipunan at pantay na pagkakakilala at pagtanggap tulad ng sa mga kalalakihan. Ipinaparating din ng IWD ang samu't-saring kuwentong maipagmamalaki ng pagmartsa sa Versailles ng mga Parisian women upang matamo ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran noong unang panahon. Ipinaparating din nito ang mga patotoo ng mga kababihan sa iba't-ibang bahagi ng mundo upang maipaglaban at panatiliin ang karapatan ng mga babae.

Pagkakataon din sa IWD ang makilala at ipagbunyi sa buong mundo ang mga tagumpay ng mga kababaihan sa larangan ng ekonomiya, politika at sa pamayanan.

[baguhin] Selebrasyon sa Pilipinas

Tuwing sumasapit ang buwan ng Marso na kilala bilang Buwan ng Kababaihan (Women's Month) at ang ika-8 ng Marso, iba't-ibang organisasyon ang naghahanda at nakikilahok upang bigyan ng halaga ang papel ng mga kababaihan sa bansa gayun din ang kaakibat na suliranin na patuloy na nararanasan ng mga kababihan-bata man o matanda. Iba't-ibang mga lalawigan, lungsod at bayan sa buong Pilipinas ay namamahala ng mga gawain na magbibigay-halaga sa kakayanan ng mga kababaihan at ang kanilang papel at kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa.

Binigigyan din ng diin dito ang mga nagtatrabahong kababaihan sa loob at sa labas ng bansa at ang hindi makatarungang pananamantala ng kanilang mga pinagtatrabahuhan tulad ng increase in child labor at forced labor. Ang ibang organisasyon naman ay sinasamantala ang araw na ito upang mangampanya laban sa violence against women and children".

[baguhin] Tema ng 2009

Ang tema ng taong 2009 ay "Babae, Yaman ka ng Bayan!." Ito ay nagbibigay suporta sa pagpapatupad ng pandaigdigang treaty obligation tulad ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW).

Layon ng tema ay makapagdulot ng inpirasyon mula sa mga kuwentong tagumpay na mga negosyante, mga natutunan at mga tamang palakad ng isang mangangalakal. Ito ay upang isulong ang kakayanan at karapatan ng mga babae sa pagpapaunlad ng ng bayan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Sa nararanasang krisis pang-pinansyal ng bansa, layunin ding hikayatin ang mga kababaihan na pumasok sa mga negosyo at proyekto na makatutulong sa pagsulong at pagunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Minimithi ng National Commission on the Role of the Filipino Women (NCRFW) na malagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Magna Carta for Women bilang tampok ng selebrasyon.

Ang Magna Carta ay may mithiing tumulong sa mga pangangailangan ng mga kababaihan. Isa sa mga mahalagang aspeto nito ay ang pagkilala ng karapatan ng mga babae hinggil sa sapat na pagkain, tirahan, livelihood, puhunan, teknolohiya, edukasyon, pagsasanay, partisipasyon, impormasyon, proteksyon, pagkilala, pananatili ng integridad, kapayapaan at pagtatanggol sa mga kabataan at matatandang babae.

[baguhin] Kasalukuyan

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang ang International Women's Day sa mga bansa kabilang ang Angola, Armenia, Azerbaijan, Belarus, Burkina Faso, Cambodia, China, Crioatia, Cuba, Guinea-Bissau, Eritrea, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Laos, Madagascar, Moldova, Mongolia, Montenegro, Nepal, Poland, Russia, Serbia, Tajikistan, Turkmenistan, Uganda, Ukraine, Uzbekistan, Vietnam at Zambia. Ipinagdiriwang ang nasabing okasyon na tulad ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Araw ng mga Ina.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.