Pag-iwas sa Sunog

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang buwan ng Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog o ang Fire Prevention Month sa Pilipinas. Ito ay isang kaganapan na nagpapaalala sa mga mamamayan na bagaman ang sunog ay isa sa unang teknolohikal na natuklasan ng tao, ito naman ay madaming nang kinitil na buhay, sinirang mga ari-arian at winasak na pangarap.

Mga nilalaman

[baguhin] Layunin

Ang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog ay ginaganap taon-taon ayon sa Presidential Proclamation No. 115-A. Ito ay may layuning itaas ang antas nag kamalayan ng publiko upang makaiwas sa sunog at masagip ang inosenteng mga buhay at mga ari-arian na pinaghirapan at pinag-ipunan na kadalasan ay nadadamay at nasisira dahil sa kapabayaan.

Anuman ang dahilan ng pagkasunog ito man ay depektibong instalasyon ng kawad ng kuryente, gas leak, aksidenteng pagtupok o pagliyab at pambobomba, mahalagang maintindihan ang iba't-ibang mga paraan upang maiwasan ang sunog sa bahay man o sa mga establisamiyento.


[baguhin] Mga Paalala

Iwas sa sunog.jpg
Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay naghanda ng pambahay at pangsagip-buhay na tips para sa mga mamamayan. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Mga Kandila at Lampara

  • Ilayo sa mga bata ang mga posporo at lighter.
  • Ang mga lampara at kandila ay kinakailagang malayo sa mga kurtina. Huwag ito sindihan malapit sa bintana, electric fan, o kung saan malapit ang mga bata at mga alagang hayop dahil

madali nila itong mabagsak o matumba. Patayin ang apoy o ningas bago matulog.


2. Vehicular fires

  • Iwasang manigarilyo o gumamit ng kahit na anong apoy habang nagpapa-gasolina ng sasakyan o habang iniinspeksyon ang tanke ng gasolina, radiator o ang baterya.
  • Magkabit ng portable fire extinguisher sa loob ng sasakyan
  • Madalas suriiin ang wiring insulation ng sasakyan upang maiwasan ang pagkakaroon ng short circuit.


3. Mga Sigarilyo at Posporo

  • Huwag mag-iwan ng may sinding sigarilyo sapagkat ito ay maaring mahulog sa mga gamit na madaling umapoy.
  • Iwasang manigarilyo sa loob ng bahay lalo na sa may sofa o sa kama.
  • Siuraduhing may ashtray sa loob ng bahay.
  • Sundin ang "No Smoking" sign
  • Siguraduhing napitpit mabuti ang upos ng sigarilyo bago ito itapon.


4. Mga Kasangkapan at Kagamitang Elektrikal

  • Regular na suriin ang mga elektrikal na instilasyon at hayaang ayusin ng isang lisensyadong electrician ang mga sira at lumang kawad ng kuryente.
  • Huwag kargahan ng labis ang mga electrical circuits sa pamamagitan ng paglagay ng karagdagang ilaw at kasangkapan.
  • Ang mga sirang fuse ay hindi kinakailangang palitan o ihalili ang barya, kable o iba pang klase ng metal.
  • Siguraduhing nakahugot ang plug bago umalis ng bahay, ito din ay isang paraan upang makatipid sa bayad ng kuryente.


5. Kapag nasilaban ang damit

  • Huwag tumakbo. Ang apoy ay mas lalong lalaki dahil sa pagtakbo.
  • Dumapa sa sahig.
  • Magpaikot-ikot habang nakatakip ang mukha upang apulain ang apoy.
  • Ang apoy sa damit ng biktima ay maaring maapula sa pamamagitan ng paggamit ang telang gawa sa lana.


6. Iwasang magtago ng mga madaling lumiyab na materyales tulad ng gasolina, alkohol o pintura sa loob ng bahay.

7. Siguraduhing may pangunahing-lunas na madaling abutin at gamitin.

8. Maglagay ng kopya ng telephone number sa tabi ng telepono ng pinakamalapit na fire department.

9. Itapon ang mga bagay na madaling masunog tulad ng mga hindi na ginagamit na papel at madaling magliyab na materyales.

10. Kapag may sunog, manatiling kalmado at iwasang magitla, sa halip ay umaksyon at gumawa ng nararapat na kilos kapag may sunog.

[baguhin] Tala

Ayon sa pinakahuling balita na galing sa Bureau of Fire Protection Intelligence and Investigation Division (IID), noong 2008, may humigit-kumulang na 7,726 na insidente sa pagkasunog ang naganap, 15 porsyento mas mababa kumpara noong taong 2007. Sa nasabing mga pagkasunog na iyon, 179 na katao ang namatay, 2 sa kanila ay mga bumbero at ang iba ay mga sibilyan; habang ang 609 na katao naman ay mga sugatan kasama na dito ang 50 bumbero.

[baguhin] Tema ng 2009

"FIRE SAFETY: A Challenge, Concern and Priority for Everybody." Isinusulong ng temang ito ang kahalagahan ng pag-iwas sa sunog para sa pagtataguyod ng bansa.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.