Pag-aayuno

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Pag-aayuno ay ang kusang pagpigil na kumonsumo ng pagkain o inumin na may layong espiritwal pagpupurga ng sarili sa mga kasalanan. Ang pagkain ay biyaya ng Diyos sa buhay ng tao, tunay na kasiyahan at kailangan, ngunit minsan ang tao ay nagiging gahaman sa pagkain, walang kabusugan, at hinahayaang ang pagkain ang maghari sa isipan. Ang layunin ng pag-aayuno ay upang maranasan ang epekto ng hindi pagkain. Nagsisisilbi itong paraan upang mapatatag ang pananamplataya, at upang maipakita na ang Diyos pa rin ang may kapangyarihan sa lahat. Isa rin itong mabisang paraan kung may nais hilingin sa Diyos. Sa pamamagitan ng pag-aayuno ay nalilinis ang pag-iisip at pakiramdam ng gumagawa nito upang makapagdasal nang taimtim at isuko sa Diyos ang kapangyariang maitama ang lahat ng maling gawa.

Ang pag-aayuno ay isang disiplina na pigilin ang pagkagusto sa mga materyal na bagay. Ang mga makamundong bagay ang naglalayo sa tao upang mapalapit sa kaharian ng Diyos. Ang mga materyal na bagay ay may hanggahan di tulad ng Pag-ibig ng Diyos na hindi nagmamaliw. Sa pamamagitan ng pag-aayuno ay pinipigil ng tao na ilagay sa isip ang mga bagay na nagbibigay ng panandaliang saya, at sa halip ay ialay ang oras at pansin sa Diyos.

Karaniwang ginagawa ang pag-aayuno tuwing Miyerkoles ng Abo at lahat ng Biyernes sa panahon ng Kuwaresma.


[baguhin] Sanggunian

  • Melkite (hinango noong 28 Pebrero 2008).
  • Spirithome (hinango noong 28 Pebrero 2008).

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.