Nueva Vizcaya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon ng Lambak Cagayan (Rehiyon II) | Nueva Vizcaya | 15 | 275 | 3,903.9| 514,241| 94|
Nueva Vizcaya
Lokasyon
Rehiyon II Cagayan Valley.jpg
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Lambak Cagayan (Rehiyon II)
Lalawigan Nueva Vizcaya
Lungsod
Munisipalidad 15
Kabisera
Barangay 275
Pisikal na Katangian
Saklaw 3,903.9 km²
Ika-33 pinakamalaki| (Ika-33 pinakamalaki)
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-48 pinakamalaki)
Densidad 94/km²
Ika-14 pinakamababa| (Ika-14 pinakamababa)


(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Nueva Vizcaya)

Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay nasa rehiyon ng Lambak Cagayan. Ang kabesera nito ay ang Bayombong. Ang mga karatig lalawigan nito sa hilaga ay ang Ifugao, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan at Benguet. Ang lalawigang ito ang alternatibong destinasyon ng mahihilig sa likas na kaligiran.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Ang Nueva Vizcaya ay matatagpuan sa gitnang-hilagang bahagi ng pulo ng Luzon sa Rehiyon II. Ito ay napapaligiran ng mga kahanga-hangang bundok tulad ng Sierra Madre sa silangan, Caraballo sa timog at Cordillera sa kanluran. Marami ng ilog na matatagpuan dito tulad ng Ilog Magat, Ilog Matuno, Ilog Marang, Ilog Sta. Fe at Ilog Sta. Cruz.

Binubuo ng 3,903.9 kilmetro kuwadrado ang buong lalawigan ng Nueva Vizcaya. Binubuo nang 15 munisipalidad na kinabibilangan ng Alfonso Castaeda, Ambaguio, Aritao. Bagabag, Bambang, Bayombong, Diadi, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Kayapa, Quezon, Santa Fe, Solano at Villaverde. Ito ay may populasyon na 366,692.

[baguhin] Klima

Ang lalawigan ay nakararanas ng tag tuyot mulang Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan mulang Hunyo at Oktubre. Enero ang pinakamalamig na panahon na ang temperatura ay bumababa sa 20 celcius. Ang lalawigang ito ay tinuturing na Baguio ng mga nasa kapatagan.

[baguhin] Industriya

Ang Nueva Vizcaya ay mainam na lugar para sa industriya ng agrikultura dahil sa lawak ng lupaing nasasakupan nito. Kabilang sa mga pananim dito ang bigas, mais, pinya, saging, kape at iba pang prutas.

Ang industriya ng pagmimina ay may pag-asang magtagumpay dahil may deposito ritong mineral na maaaring mahukay tulad ng ginto at tanso. Buhangin at graba ang pinakamaraming deposito sa lalawigang ito.

[baguhin] Panlabas na Kawing

DILG Region 02

[baguhin] Sanggunian

  • Nueva Vizcaya Nueva Vizcaya(Hinango noong 5 Nobyembre 2007).
  • Nueva Vizcaya Nueva Vizcaya?s Annual Growth Rate at 1.97 Percent, 3 Abril 2002 (hinango noong 5 Nobyembre 2007).


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.