Nora Aunor

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ate Guy.jpg
Si Nora Cabaltera Villamayor, na mas kilala sa siyobis bilang si Nora Aunor, ay primera klaseng aktor, mang-aawit, at alagad ng sining sa sukdulang pakahulugan. Binasag ni Nora ang dating kumbensiyon ng mga artistang maputi at mala-porselana ang kutis na ginagad mulang Hollywood, at pinalitan ng kayumanggi, payak, probinsiyana, at mala-muslak na idolo ng masa. Siya ay nagkamit ng maraming parangal mula sa iba't ibang institusyon sa loob at labas ng bansa mapa-pelikula man o mapa-pagtatanghal na musikal.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-Ugatan

Isinilang si Nora noong 12 Pebrero 1951, at supling nina Eustacio Villamayor at Antonia Cabaltera. Hiwalay siya sa aktor na si Christopher De Leon at may isang bayolohikong anak dito na si Ian de Leon, isa ring aktor.mayroon siyang apat na ampon. kabilang sa mga ito ay si Lotlot, Matet , Kiko, at Kenneth. Kapatid niya ang namayapang aktor na si Eddie Vilalmayor.

[baguhin] Karera sa Siyobis

Nagsimula ang karera ni Nora bilang isang mang-aawit nang siya ay tinanghal na kampiyon sa Tawag ng Tanghalan at sa Darigold Jamboree, ang mga ito rin ang naging daan sa pagkakatuklas sa pinakamalaking bituin ng pelikulang Filipino. Siya ay sumailalim sa pangangalaga ni Dr. Jose R. Perez, may-ari ng Sampaguita Pictures. Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula para sa Sampaguita Pictures ay Way Out in the Country (1967); Cinderella A-Go-Go (1967); All Over the World (1967); at Ye-Ye Generation (1968). Dahil sa paggawa niya ng pelikula sa Tower Productions nang walang pahintulot ay sinampahan siya ng kaso ng Sampaguita Pictures na inabot ng dalawang taon. Habang dinidinig ang kaso ay gumawa siya ng pelikula para sa dalawang kompanya. Natapos ang kaso pabor sa Sampaguita Pictures. Sa tulong ni Dr. Jose R. Perez ay nagtayo si Nora ng sariling kompanya, na tinawag na NV Productions.

Ang kaniyang palabas sa telebisyon ay tumagal nang dalawang dekada. Nagsimula iyon sa pamagat na Nora-Eddie Show kasama si Eddie Peregrina noong 1967, Nora Aunor Show noong 1968 at Superstar mulang 1971 hanggang 1989.

Bilang isang mang-aawit ay nakapag rekord siya ng maraming album. Kabilang sa mga ito ang Mga Awiting Pilipino, Awitin ng Puso, Mga Awiting Pamasko , at Ang Tindera.

Sa entablado, si Nora ay gumanap na bida sa Minsa'y Isang Gamugamo noong 1992 at DH (Domestic Helper), 1992 para sa Philippine Educational Theater Association (PETA) productions at lumabas din siya sa Trojan Women ni Cecile Guidote Alvarez.

Dahil sa napakaraming natamong gawad at parangal mula sa iba't ibang larangan, gaya ng musika, pelikula, telebisyon at entablado, kinilalang tunay na nag-iisang "Superstar" si Nora Aunor ng kaniyang mga tagahanga.

[baguhin] Ilang Tinampukang Pelikula

  • Tatlong Taong Walang Diyos
  • Ina Ka ng Anak Mo
  • Bulaklak sa City Jail
  • Bilangin ang Bituin sa Langit
  • Andrea
  • Paano ba ang Maging Isang Ina?
  • Andrea
  • Atsay
  • Ina Ka
  • Himala
  • Bona
  • The Flor Contemplacion Story
  • Bakit Bughaw Ang Langit?

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Kaugnay na Akda

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.