Noli Me Tangere

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Noli me tangere)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay isa sa magkabiyak na kanonigong nobela ni Jose Rizal. Ang nobela ay umiinog sa buhay ni Crisostomo Ibarra na matapos makapag-aral nang pitong taon sa Europa ay nagbalik sa San Diego, ang pangunahing tagpuan sa nobela, upang tulungan ang kaniyang mga kababayan. Sa nobela, lilitaw ang repormistang pagkiling ni Rizal sa pagnanais na palaganapin ang edukasyon sa nakararaming tao.

Mga nilalaman

[baguhin] Titulo

Ang Noli me tangere ay isang pariralang Latin na hinango ni Rizal sa ebanghelyo ni San Juan Bautista (Juan 20:13-17) sa Bibliya na ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong salangin” o mas kilala sa Ingles na ”Touch me not.” Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na nagsasabing Touch me not; I am not yet ascended to my Father, but go to my brethren, and say unto them I ascend unto my Father and your Father, and to my God and your God.

Madalas rin itong tawaging Noli.

[baguhin] Kasaysayan ng nobela

Ang Noli ay hango sa nobelang nabasa ni Rizal na pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ilalim ng panginoong puting Amerikano. Inihahambing ni Rizal ang hinagpis na naranasan ng mga Negro sa naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mapang-aping mga prayleng Kastila. Iminungkahi ni Rizal sa kaniyang kaibigan sa Madrid noong 1884 na magtulungan sa pagsulat ng nobela ukol sa Pilipinas. Kabilang sa kaniyang mga kaibigan ay ang mga Paterno (Pedro, Maximo, at Antonio) at si Graciano Lopez Jaena. Bagamat sang-ayon ang kaniyang mga kaibigan sa ideya ay hindi rin binigyang-halaga ng mga ito ang pagsusulat at sa halip ay mag pinili pa ang magsulat tungkol sa babae, magsugal at makipagalembong. Ito ang dahilan kung kaya't napagpasyahan ni Rizal na isulat ito nang sarilinan.

Ang unang bahagi ng Noli ay sinimulang isulat noong 1884 sa Madrid habang nag-aaral pa lamang ng medisina si Rizal. Nang makapagtapos, nagtungo siya sa Paris at doon ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat. Karamihan sa bahagi ng nobela ay dito niya naisulat. Ang huling bahagi ng nobela ay natapos sa Berlin. Si Victor Blasco Ibañez ang nagsilbing tagapagbasa at tagapayo ni Rizal.

Natapos ni Rizal ang nobela noong Disyembre 1886. Sa panahong ito, hindi sapat ang kaniyang pera upang ipalimbag ito. Sa tulong ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal ang nobela. Nailathala ang nobela noong siya ay 26 taong gulang. [1]

Kabilang sa kaniyang mga kaibigan ay ang mga Paterno (Pedro, Maximo, at Antonio) at si Graciano Lopez Jaena. Bagamat sang-ayon ang kaniyang mga kaibigan sa ideya ay hindi rin binigyang-halaga ng mga ito ang pagsusulat at sa halip ay mag pinili pa ang magsulat tungkol sa babae, magsugal at makipagalembong. Ito ang dahilan kung kaya't napagpasyahan ni Rizal na isulat ito nang sarilinan.

[baguhin] Buod

Nagsimula ang nobelang Noli Me Tangere sa isang piging kung saan pinakilala ang ilan sa mga tauhan ng nobela. Natuklasan ni Ibarra sa kaniyang pagbabalik ang inhustiyang naranasan ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. [2]

Nabatid ni Ibarra na nakabangga ng kaniyang ama si Padre Damaso, na humiya at nagtiwalag sa matanda. Hindi lamang kapangyarihang pampulitika ang hawak ng nasabing prayle. Ginamit din niya ang kapangyarihan upang akitin ang ina ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra. Isa pang kaaway ni Ibarra si Padre Salvi na muntik nang makapatay sa binata nang pasinayaan ang isang paaralan. Sumiklab ang lahat nang idawit si Ibarra sa isang pag-aaklas na ginatungan ni Padre Salvi. Napiit si Ibarra ngunit iniligtas ni Elias na ang buhay ay iniligtas din ni Ibarra noong nakalipas na panahon. Sa wakas ng nobela, ang lugaming si Ibarra ay nakadama ng madilim na hinaharap. [3]

[baguhin] Sanggunian

  1. Notes:The Philippine Revolutionbinisita noong: 16 Hunyo 2011
  2. Noli Me Tangerebinisita noong: 15 Hunyo 2011
  3. Noli me Tangere:Huag Acong Salangin nino man, salin ni Pascual Poblete binisita noong: 16 Hunyo 2011

nagapi ni Ibarra ang lahat ng kanyang mga kalaban

ganda ko [[Midya:Halimbawa.ogg--112.198.242.176 07:55, 11 Disyembre 2016 (UTC) == Talaksan:Paulong teksto[[[Pamagat ng kawing][na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[na kawing ng pamagat[[Pamagat ng kawing

[baguhin] Makapal na panitik

== Midya:Paulong teksto


--112.198.242.176 07:55, 11 Disyembre 2016 (UTC)--112.198.242.176 07:55, 11 Disyembre 2016 (UTC)[[Talaksan:Isingit ang hindi nakapormat na teksto dito]]<nowiki>[[Midya:Isingit ang hindi nakapormat na teksto dito]][[Talaksan: == Halimbawa.jpg == [''http://www.example.com na kawing ng pamagat''''[[Nakahilig na panitik]]''''''Makapal na panitik'''''''']]]</nowiki> == ]]]]]]]]]]]]] == ]]