Nikotina

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong, ay mayroon ding nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine.

Ang nicotine ay ipinangalan kay Jean Nicot de Villemain. Siya ay isang French Ambassador sa Portugal at nakadiskubre ng medicinal qualities ng tobacco plant noong 1560. Nang taong din iyon, nagpadala sya ng tobacco plant sa Reyna ng France na si Catherine de Medici. Pinangalanan ng reyna ang tobacco plant na “Herba Regina” o herb ng reyna.

Mga nilalaman

Epekto

Ang nicotine ay mabilis na pumapasok sa katawan. Mula sa baga, dumadaan ito sa bloodstream at sa loob ng pito hanggang sampung segundo ay pumapasok sa utak. Ang reaction ng utak sa nicotine ang nagdudulot ng nicotine addiction.

Mabilis din ang reaksyon ng puso sa nicotine. Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso. Bumababa rin ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries. Bukod dito, nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells dahil sa carbon monoxide ng sigarilyo. Dahil dito, ang nicotine ay ang tinuturong pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at heart attack sa mga naninigarilyo.

Pagkalulong sa nikotina

Ang nicotine ay may kaparehong addicting qualities ng heroin at cocaine. Kapag pumasok ito sa utak, binabago nito ang natural na pagproseso ng dopamine.

Ang dopamine ay isang neurotransmitter na pinasisigla ang sense of pleasure at reward ng utak. Kapang nakapasok ang nicotine sa utak, nagdudulot ito ng paglabas ng mas maraming dopamine. Ito ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng matinding kaluguran ang mga naninigarilyo. Ang epekto ng nicotine ay tumatagal lamang ng ilang minuto kung kaya’t kailangang muling magsindi ng isa pang sigarilyo para patuloy na maramdaman ang ganitong euphoria. Ang paulit-ulit na pagsindi ng sigarilyo ay nauuwi sa nicotine addiction

Ang tuluyang paghinto sa paninigarilyo ay nagdudulot ng withdrawal symptoms katulad ng pagka-irita, pagkabahala, pagkabalisa, depresyon, at pagtaas ng timbang, dahilan upang marami ang magkaroon ng smoking relapse. Sa matinding kaso ng nicotine addiction, kinakailangan ng mga pharmacological at behavioral treatments. May ilang kaso naman na hindi na nangangailangan ng medical intervention.

Sanggunian

  • [1] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [2] (Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [3] Hinango noong Abril 20, 2010)
  • [4] (Hinango noong Abril 20, 2010)

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.