Nena at Neneng

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Itinuturing na obra maestra ang nobelang Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng(1905) ni Valeriano Hernandez-Peña na kinilalang “Ama ng Nobelang Tagalog.”

Umiinog ang istorya kina Nena at Neneng, sa mga pagsubok na kailangang tiisin ng kanilang pagkákaibígan, at sa magkaibang kapalaran nila nang magpakasal sa kani-kaniyang kasintahan. Lumigaya si Nena sa piling ni Deogracias, samantalang nabalaho si Neneng sa banang si Narciso na labis ang pagkaseloso. Inakala ni Narciso na nagtaksil si Neneng, kaya iniwan ang asawa, ngunit nang magbalik siya sa tahanan ay nabatid na yumao na si Neneng sa labis na pagkasawi sa pag-ibig.

Tampok din ang kasangang banghay na hinggil sa malungkot na buhay ni Chayong, na ang puri’y inilugso ni Miguel. Sugarol at sinungaling, si Miguel ay nabilanggo dahil sa kasamaan at nabulok saka namatay sa bilibid. Pinatitining ng nasabing nobela ang ilang tema, gaya ng katapatan sa sinumpaan, pagkakaibigan, at pagtitimpi na pawang gagamitin din ng susunod na henerasyon ng mga nobelista.

[baguhin] Sanggunian

  • Peña, Valeriano Hernandez. Nena at Neneng. Nalathala noong 1905.

[baguhin] Panlabas na kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.