Negros Oriental

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles, pindutin ang Negros Oriental

Ang Negros Oriental ay lalawigan sa timog-silangang bahagi ng pulo ng Negros, at nakatimo sa Gitnang Visayas, Filipinas. Ito ay nalikha nang pagtibayin ang Batas Republika Bilang 2711 noong 1917. Kabilang ang Negros Oriental sa Rehiyon VII na binubuo ng Bohol, Cebu, at Siquijor. Nasa hanggahan ng Negros Oriental ang Kipot Tañon, Dagat Bohol, Dagat Visayas, at Negros Occidental. Bulubundukin ang malawak na lupain sa Negros Oriental, at ang makikitid na kapatagan ay nakahimlay sa hilagang-silangan at timog na bahagi nito.

Mga nilalaman

[baguhin] Saklaw

Binubuo ng 5,402.30 kilometro kuwadrado ang buong Negros Oriental. Kabilang sa mga lungsod nito ang Bais, Bayawan, Canlaon, at Dumaguete. Lungsod Dumaguete ang kabesera ng nasabing lalawigan; samantalang ang mga munisipalidad ay binubuo ng Amlan, Ayungon, Bacong, Basay, Bayawan, Bindoy, Dauin, Guihulngan, Jimalalud, La Libertad, Mabinay, Manjuyod, Pamplona, San Jose, Santa Catalina, Siaton, Sibulan, Tanjay, Tayasan, Valencia (dating Luzurriaga), Vallehermoso, at Zamboanguita.

[baguhin] Produkto

Pagtatanim ng tubo ang ikinabubuhay sa nasabing lalawigan dahil sa pagtataglay nito ng klima at lupaing angkop sa pagpapatubo ng tubo. Ngunit nang lumaon ay nagpalago ng iba pang pananim ang lalawigan, gaya ng palay, ampalaya, munggo, kundol, gabi, mustasa, okra, at patola upang punuan ang pangangailangan ng mga tao.

[baguhin] Mga Wika

Sebwano ang pangunahing wika sa Negros Oriental, ngunit ginagamit din ang Ilonggo, Hiligaynon, at Waray, bukod sa pagkilala sa Filipino bilang wikang pambansa.

[baguhin] Sanggunian

  1. Kintanar, Thelma B. et. al. Mga editor. Cultural Dictionary for Filipinos. Quezon City: University of the Philippines Press, 1996.
  2. Almario, Virgilio S. editor. Philippine Almanac. Quezon City: Children's Communication Center at Filway Marketing, Inc., 1991.

[baguhin] Dagdag na datos

Para sa karagdagang datos, dumako sa opisyal na website ng Negros Oriental na matatagpuan sa Negros

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.