National Tuberculosis Awareness Month

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|200px|Resulta sa x-ray ng may TB Isa sa mga kaganapang naaayon sa kalusugan na ipinagdiriwang tuwing Agosto taun-taon ang National Tuberculosis Awareness Month. Layunin ng pagdiriwang na ito ang pagbibigay halaga sa kalusugan, kampanya sa pag-iwas sa paninigarilyo at pagpapababa ng kaso nang nagkakaroon at namamatay sa tubeculosis (TB) na siyang isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.

Mga nilalaman

Selebrasyon

Ang pagdiriwang ng National TB Awareness Month ay isinasagawa tuwing Agosto sa pamamagitan ng kampanya laban sa TB at sa pagpapatibay ng Directly Observed Treatment Short Course (DOTS) Chemotherapy. Nakikiisa ang lahat ng mga kumpanya mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagdiriwang nito. Ang bawat rehiyon ay nagkakaroon ng sari-sarili nilang palatuntunan upang maipadama sa mga mamamayan ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan at ang mga masamang dulot sa katawan ng paninigarilyo.

Nakikiisa rin ang Gawad Kalinga sa gawaing ito. Nagkaroon sila ng programang tinatawag na Gawad Kalusugan Program. Layunin ng programang ito na ipalaganap ang tamang impormasyon para sa mga residente ng GK tungkol sa TB. Tumutulong din sila sa pagpapagaling ng mga mayroong kaso sa pamamagitan ng 6-month TB treatment. Sinasanay din ang mga manggagawa sa tamang lunas at nagbibigay rin sila ng mga seminar ukol dito.

Ang National TB Awareness Day ay tuwing Agosto 19.

Estado ng TB sa Pilipinas

Noong 1998, pang-anim ang TB sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Sa taong 2006, naitalang ang TB ay pang-apat na sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay o 40.56 % kada 100,000 na populasyon. Ayon kay Mila M. Laureta, ang provincial TB coordinator ng Antique, humigit kumulang sa 200,000 katao sa 543, 067 na populasyon ng lugar ang namamatay dahil sa TB. Ayon naman sa Kagawaran ng Kalusugan, kahit na pang-apat ang TB sa pangunahing sanhi ng pagkamatay, mataas naman ang cure rate nito na umaabot sa 92 %.

Ginagawan ng paraan ng Kagawaran ng Kalusugan katulong ng iba pang mga organisasyong pang-gobyerno ang nakakabahalang sitwasyong ito sa pamamagitan ng National Tuberculosis Program upang higit- lalong mapatibay ang kalidad ng pagkokontrol sa TB. Nagdaos din ng iba pang mga kampanya ang gobyerno upang mas lalong maging epektibo sa pagpigil o pag-iwas sa TB. Isa na dito ang programang isinabatas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na “Comprehensive and Unified Policy for TB Control in the Philippines” kung saan ang basehan ng pagpapatupad ay ang Direct Observed Treatment Short-course (DOTS) ng National TB Program na siya namang payo ng World Health Organization. Ilan sa mga isinasagawa nito ay ang Direct Sputum Smear Examination upang malaman kung ang isang tao ay positibo ba sa TB; standardized chemotherapy para sa mga mayroong TB; National TB Program sa lahat ng mga sentrong pangkalusugan na sumusunod sa tamang panuntunan; at mahigpit na ugnayan sa gobyerno upang masiguro ang patuloy na pagpapatupad sa mga programa.

Upang maging mas epektibo ang kampanya laban sa TB, naging mahalaga rin ang papel ng media sa pagpapakalat ng impormasyon, edukasyon at komunikasyon upang maipaliwanag sa mga tao ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at pag-aalaga ng katawan upang makaiwas sa pagkakasakit.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.