Napoleon Abueva

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Napoleon Abueva (Picture from ([1]).

Si Napoleon Veloso Abueva, sa gulang na 46, ang pinakabatang Pilipino na nakatanggap ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining. Siya rin ay kilala bilang Ama ng Makabagong Iskultura sa Pilipinas. Nagamit na niya halos lahat ang iba't ibang uri ng materyal, mula sa matigas na kahoy (molave, acacia, langka, ipil, kamagong at kawayan) hanggang adobe, metal, bakal, semento, marmol, tanso, atbp.

Mga nilalaman

Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak siya noong 26 Enero 1930 sa Bohol at supling nina Teodora Abueva at Purificacion Veloso. Siya ay ikinasal kay Sergia Valles kung saan siya ay may tatlong anak, isa na rito si Mulawin na isa ring iskultor.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953; at nagkamit ng Master of Fine Arts sa Cranbrook Academy, Michigan, sa Estados Unidos ng Amerika.


Ilang mga gawa

  • Moses, 1951
  • Rice Planting, 1952
  • Kiss of Judas, 1955
  • Water Buffalo, 1968
  • Birds, 1971
  • Alabaster City, 1971
  • To and From the Sea, 1978
  • Transfiguration, sa Eternal Garden Memorial Park, 1979
  • Nine Muses, at the UP Faculty Center, 1994
  • Sunburst, at the Peninsula Manila hotel, 1994

Ang ilan din sa kanyang mga likhang-sining ay matatagpuan sa UP Diliman:

  • 1957 – Crucifix with Two Corpora, sa Parish of the Holy Sacrifice
  • 1962 – University Gateway (UP Gates)
  • 1967 – Tribute to Higher Education, sa bungad ng University Avenue
  • 1979 – The Spirit of Business, sa harap ng College of Business Administration
  • 1992 – Diwata, sa Faculty Center
  • 1996 – Alma Mater, sa lobby ng Ang Bahay ng Alumni
  • 1996 – Three Women Sewing the First Philippine Flag, tinatawag ding Tres Marias Plaza, sa UP Donors’ Garden, bilang parte ng selebrasyon sa sentenaryo ng rebolusyon noong 1896


Mga Parangal

Kabilang sa kaniyang mga gawad at pagkilala ang sumusunod:

  • Unang gantimpala sa eskultura, Art Association of the Philippines, noong 1951
  • Dalawang unang gantimpala sa AAP noong 1952
  • Karangalang-banggit sa International Sculpture Competition mula sa Institute of Contemporary Arts sa London noong 1953
  • Purchase Prize para sa kaniyang obrang “Kiss of Judas” sa Relihiyosong Pagtatanghal ng Sining sa Detroit noong 1955
  • Natatanging Gawad para sa timpalak sa Di-kilalang Kawal na Politikal na itinaguyod ng Institute of Contemporary Arts ng London
  • Iskolarship sa Harvard University noong 1956
  • Gawad Ten Outsatanding Young Men (TOYM) noong 1959; Republic Cultural Heritage Award noong 1966 *Gawad Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1977.

Nagsilbi siyang dekano ng UP College of Fine Arts nang ilang taon, at kasalukuyang isa sa mga eksperto sa lupon ng Pambansang Museo.


Sanggunian

  • Aguilar, Marlene. Encyclopedia of Philippine Art, volume 1. Lungsod Quezon: Jamayco Publishing House, 2005.
  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Kulay-Diwa: Gallery of Philippine Contemporary Art. (Hinango noong 28 Abril 2008).
  • Napoleon V. Abueva. (Hinango noong 28 Abril 2008).

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.