Morpolohiya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang morpolohiya ay isang disiplina ng linggwistika na nag-aaral ng kayarian ng mga salita.

[baguhin] Kayarian ng salita

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

  1. payak - salitang-ugat
  2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
  3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
  4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan

[baguhin] Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito

  1. Tengang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
  2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
  3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
  4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
  5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
  6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
  7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
  8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
  9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
  10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon, takaw-pansin, agaw-eksena
  11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
  12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
  13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
  14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
  15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
  16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
  17. Balat-sibuyas - iyakin, madaling umiyak, mababaw ang luha
  18. Lakad-pagong - mabagal maglakad
  19. Silid-aklatan - silid kung saan nilalagak ang mga aklat at iba pang babasahin
  20. Silid-tulugan - bahagi ng bahay o kuwarto kung saan natutulog ang mga tao
  21. Bahay-aliwan - lugar kung saan nagliliwaliw ang mga tao, kadalasan mga lalaki
  22. Agaw-buhay - malapit ng mamatay, babawian na ng buhay
  23. Bahay-bata - bahagi sa katawan ng babae kung saan nabubuo ang bata, sinapupunan
  24. Anak-araw - sobrang maputi, makasisilaw sa puti tulad ng sa araw
  25. Pamatay-insekto - gamit na kayang pumatay sa mga peste at insekto at kadalasang ginagamit sa pagtatanim, paghahalaman at sa bahay
  26. Matanglawin - matalas ang paningin
  27. Biglang-yaman - biglaang pagyaman ng hindi pinagsisikapan ang maturing yaman
  28. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
  29. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
  30. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Morpolohiya. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.