Miyerkoles ng Abo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ash wednesday.jpg

Ang Miyerkoles ng Abo ay ang araw na pinapahiran ng abo ang mga mananampalatayang Katolikong Filipino. Ito ang naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi ng Simbahan. Ang pagpapahid ng abo sa noo ay tanda ng pagiging panandalian lamang ng tao sa daigdig na ito. Ang alabok ay nagpapaalala na ang buhay dito sa mundo ay hindi permanente, ipinaaalala rin na sa alabok nanggaling ang tao at sa alabok din babalik, kung kaya't dapat magbalik loob sa Panginoon sa pamamamagitan ng pagsisisi at pagtama ng mga maling gawi upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang pagtanda naman ng pakrus ay nagpapahiwatig na sa pamamamagitan ni Hesukristo, na nagkatawang tao upang sagipin ang mga tao sa kasalanan, ang siyang tanging daan tungo sa kaligtasan


[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.