Misyong OsRox

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Misyong OsRox(Osmeña-Roxas) ay ang pagtungo ni Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña sa Washington D.C. noong Pebrero 18,1919 upang humarap at makipag-usap kay Pangulong Woodrow Wilson tungkol sa pagsasarili ng Pilipinas.Dahil naantala ang kanilang pag-alis,hindi nila inabot si Pangulong Wilson na nagtungo sa Europa dahil sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig (World War I).Nang tumulak sa Amerika ang kampo ni Quezon humarap sila sa Kongreso at pinakinggan naman sila nito,subalit wala namang isinagawang pagkilos para dito.


Taong 1922 naman nang tumulak ang pangkat ni Osmeña patungong Estados Unidos.Tulad ng pangkat ni Quezon, layunin nilang iparating sa pamahalaan ng Amerika ang pagnanais ng mga Pilipino na makapagsarili. Tulad ng pangkat ni Quezon, si Osmeña ay nabigo rin.Hindi parin naniniwal ang mga Amerikano sa panahong iyon na kaya na ng mga Pilipino na pamahalaan ang sariling bansa, kaya hindi pa nila maibigay ang pagsasariling hinihingi ng Pilipinas .