Mga lalawigan ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang lalawigan (Filipino: probinsya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa taong 2002, may higit-kumulang nang walumpu't-isang (81) lalawigan ang bansang Pilipinas. Ang mga lalawigan ay napapangkat sa labing-apat (14) na rehiyon at binubuo ng mga lungsod, mga bayan at munisipyo. Hindi nahahati sa mga lalawigan ang Kalakhang Maynila.

Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa heograpiya, kultura, at etnolohiya. May nakatakdang bilang ang bawat isa sa labing-apat na rehiyon ng bansa kung saan nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa sa katimugan. Walang itinakdang bilang ang Kalakhang Maynila o National Capital Region, Rehiyon ng Cordillera o Cordillera Administrative Region, at ang Malayang Rehiyon ng Mindanao o Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura, bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong mga halal na kinatawan o congressman ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas. Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan (tingnan ang sumusunod na seksyon tugkol sa pamahalaang lalawigan).

Noong Oktubre 30, 2006, inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang Shariff Kabunsuan, sa isang plebesito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan. Inaprubahan din noong Disyembre 2, 2006, nabuo din ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebesito. Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.

Mga nilalaman

Pamahalaang lalawigan

Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Kagawaran ng tagapagpaganap

Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman.

Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal. Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.

Kagawaran ng tagapagbatas

Pinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad (Filipino: bokal, Ingles: board members) mula sa bawat distrito. Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.

Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ex-officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains, Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League (PCL), at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.

Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan. Hinahalal naman ang mga kasaping ex-officio sa loob ng kanilang organisasyon.

Tala ng mga lalawigan

Lalawigan Kapital Rehiyon Populasyon Lawak (km²) Densidad ng
Populasyon
(bawat km²)
30px Abra Bangued CAR 209,491 3,975.6 52.7
30px Agusan del Norte Lungsod ng Butuan XIII 552,849 2,590.0 213.5
30px Agusan del Sur Prosperidad XIII 559,294 8,966.0 62.4
30px Aklan Kalibo VI 451,314 1,817.9 248.3
30px Albay Lungsod ng Legazpi V 1,090,907 2,552.6 427.4
30px Antique San Jose VI 471,088 2,522.0 186.8
30px Apayao Kabugao CAR 97,129 3,927.9 24.7
30px Aurora Baler III 173,797 3,239.5 53.6
30px Basilan Lungsod ng Isabela ARMM 259,796 1,234.2 210.5
30px Bataan Lungsod ng Balanga III 557,659 1,373.0 406.2
30px Batanes Basco II 16,467 209.3 78.7
30px Batangas Lungsod ng Batangas IV-A 1,905,348 3,165.8 601.9
30px Benguet La Trinidad CAR 582,515 2,655.4 219.4
30px Biliran Naval VIII 140,274 555.5 252.5
30px Bohol Lungsod ng Tagbilaran VII 1,137,268 4,117.3 276.2
30px Bukidnon Lungsod ng Malaybalay X 1,060,265 8,293.8 127.8
30px Bulacan Malolos III 2,234,088 2,625.0 851.1
30px Cagayan Lungsod ng Tuguegarao II 993,580 9,002.7 110.4
30px Camarines Norte Daet V 458,840 2,112.5 217.2
30px Camarines Sur Pili V 1,551,549 5,266.8 294.6
30px Camiguin Mambajao X 74,232 229.8 323.0
30px Capiz Lungsod Roxas VI 654,156 2,633.2 248.4
30px Catanduanes Virac V 215,356 1,511.5 142.5
30px Cavite Lungsod ng Trece Martires IV-A 2,063,161 1,287.6 1,602.3
30px Cebu Lungsod ng Cebu VII 3,356,137 5,088.4 659.6
30px Compostela Valley Nabunturan XI 580,244 4,667.0 124.3
30px Cotabato Lungsod ng Kidapawan XII 958,643 6,569.9 145.9
30px Davao del Norte Lungsod ng Tagum XI 743,811 3,463.0 214.8
30px Davao del Sur Lungsod ng Digos XI 1,905,917 6,377.6 298.8
30px Davao Oriental Mati XI 446,191 5,164.5 86.4
30px Dinagat Islands San Jose XI 106,951 802.12 133.3
30px Eastern Samar Borongan VIII 375,822 4,339.6 86.6
30px Guimaras Jordan VI 141,450 604.7 233.9
30px Ifugao Lagawe CAR 161,623 2,517.8 64.2
30px Ilocos Norte Lungsod ng Laoag I 514,241 3,399.3 151.3
30px Ilocos Sur Lungsod ng Vigan I 594,206 2,579.6 230.3
30px Iloilo Lungsod ng Iloilo VI 1,925,002 4,719.4 407.9
30px Isabela Ilagan II 1,287,575 10,664.6 120.7
30px Kalinga Tabuk CAR 174,023 3,119.7 55.8
30px La Union Lungsod ng San Fernando I 657,945 1,493.1 440.7
30px Laguna Santa Cruz IV-A 1,965,872 1,759.7 1,117.2
30px Lanao del Norte Tubod X 758,123 3,092.0 245.2
30px Lanao del Sur Lungsod ng Marawi ARMM 800,162 3,872.9 206.6
30px Leyte Lungsod ng Tacloban VIII 1,592,336 5,712.8 278.7
30px Maguindanao Shariff Aguak ARMM 801,102 4,900.1 163.5
30px Marinduque Boac IV-B 217,392 959.3 226.6
30px Masbate Lungsod ng Masbate V 707,668 4,047.7 174.8
30px Misamis Occidental Lungsod ng Oroquieta X 486,723 1,939.3 251.0
30px Misamis Oriental Lungsod ng Cagayan de Oro X 1,126,215 3,570.0 315.5
30px Mountain Province Bontoc CAR 140,439 2,097.3 67.0
30px Negros Occidental Lungsod ng Bacolod VI 2,565,723 7,926.1 323.7
30px Negros Oriental Lungsod ng Dumaguete VII 1,126,061 5,402.3 208.4
30px Northern Samar Catarman VIII 500,639 3,498.0 143.1
30px Nueva Ecija Lungsod ng Palayan III 1,659,883 5,284.3 314.1
30px Nueva Vizcaya Bayombong II 366,962 3,903.9 94.0
30px Occidental Mindoro Mamburao IV-B 380,250 5,879.9 64.7
30px Oriental Mindoro Lungsod ng Calapan IV-B 681,818 4,364.7 156.2
30px Palawan Lungsod ng Puerto Princesa VI 755,412 14,896.3 50.7
30px Pampanga Lungsod ng San Fernando III 1,882,730 2,180.7 863.4
30px Pangasinan Lingayen I 2,434,086 5,368.2 453.4
30px Quezon Lungsod ng Lucena IV-A 1,679,030 8,706.6 192.8
30px Quirino Cabarroguis II 148,575 3,057.2 48.6
30px Rizal Lungsod ng Antipolo IV-A 1,707,218 1,308.9 1,304.3
30px Romblon Romblon IV-B 264,357 1,355.9 195.0
30px Samar Catbalogan VIII 641,124 5,591.0 114.7
30px Sarangani Alabel XII 410,622 2,980.0 137.8
30px Shariff Kabunsuan Kabuntalan ARMM
30px Siquijor Siquijor VII 81,598 343.5 237.5
30px Sorsogon Lungsod ng Sorsogon V 650,535 2,141.4 303.8
30px South Cotabato Lungsod ng Koronadal XII 1,102,550 4,489.0 245.6
30px Southern Leyte Lungsod ng Maasin VIII 360,160 1,734.8 207.6
30px Sultan Kudarat Isulan XII 586,505 4,714.8 124.4
30px Sulu Jolo ARMM 619,668 1,600.4 387.2
30px Surigao del Norte Lungsod ng Surigao XIII 374,465 1,936.9 193.3
30px Surigao del Sur Tandag XIII 501,808 4,552.2 110.2
30px Tarlac Lungsod ng Tarlac III 1,068,783 3,053.4 350.0
30px Tawi-Tawi Panglima Sugala ARMM 322,317 1,087.4 296.4
30px Zambales Iba III 627,802 3,714.4 169.0
30px Zamboanga del Norte Lungsod ng Dipolog IX 823,130 6,618.0 124.4
30px Zamboanga del Sur Lungsod ng Pagadian IX 1,437,941 4,964.1 289.7
30px Zamboanga Sibugay Ipil IX 497,239 3,087.9 161.0

Noong Pebrero 20, 1995, pinagtibay ang panukalang batas sa paghahati ng Isabela sa Isabela del Norte at Isabela del Sur. Hindi natuloy ang paghahati.

Nabuo ang Negros del Norte mula sa Negros Occidental noong Enero 3, 1986. Ipinahayag na ang pagkakabuo nito ay hindi sang-ayon sa saligang batas noong Hulyo 11, 1986, at ito ay nabuwag noong Agosto 18, 1986.

Panlabas na kawing

Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Mga lalawigan ng Pilipinas. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.