Mga Piling Lugar sa Pilipinas na Pinamumugaran ng Multo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Diplomat Hotel sa Lungsod Baguio

Ang isang lugar ay masasabing lunan na minumulto o haunted kapag maraming nagpapatotoo na nakakakita sila ng mga ligaw na kaluluwa ng mga patay at nakakaramdam sila ng mga nakakahindik at nakakapangilabot na pangitain at hindi maipaliwanag na pangyayari. Ang mga ito ay maaring makita o maramdaman ng kahit na anong oras - umaga man o gabi.

Ang mga pagpaparamdam na ito ay maaring resulta sa naganap na malagim na trahedya sa nasabing lugar na maari din na daan-daang tao ang nakulong o namatay.

Maraming lugar dito sa Pilipinas ang pinamumugaran ng ligaw na espiritu o mga lugar kung saan maraming mga nagpapatunay ang nakakakita ng mga multo. Ang mga sumusunod ay ang mga piling lugar sa Pilipinas na pinaniniwalaang pinamumgaran ng mga ligaw na kaluluwa at mga kaganapang hindi maipaliwanag:


  • Ang Teacher's Camp, Lungsod Baguio - ay dating pook labanan (battlefield) ng mga mamamayan isang daang taon na ang nakalilipas. Kaya nitong akomodahin ang 1,700 katao sa iba't-ibang dormitoryo, cottages, at guest houses. May dalawang mess halls at walong conference halls na kayang akomodahin ang 3,320 na katao. Pinaniniwalaan na ang mga hindi matahimik na kaluluwa ng mga mandirigma ay patuloy na umaali-aligid at madalas na magpakita sa mga tao.
Manila Film Center sa Lungsod Pasay


  • Ang Diplomat Hotel, Lungsod Baguio - ay isang seminaryo noong taong 1900. Nang dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga pari at madre ang napatay at ang iba naman ay pinugutan ng ulo ng mga pwersa ng Hapon. Nang matapos ang digmaan, ang lugar na ito ay ginawang hotel. Ang malalaking silid, malalaking kama at paminsan-minsang pagpaparinig ng atungal, at pagpapakita ng mga pari at madreng pugot sa mga pasilyo ay lubos na nakakadagdag ng kilabot ng sino mang bumibisita sa nasabing hotel.


  • Ang Philippine Military Academy, Lungsod Baguio - sinasabing maraming mga ligaw na kaluluwa ay naninirahan sa lugar na ito. Madalas na may naririnig na may nagmamartsang pulutong ng sundalo sa parade grounds. Madalas ding nagpapakita ang multo ng isang kadete na nakasuot pa ng parade uniform. Isa pang kaluluwa ng pugot na pari na pinatay noong panahaon ng Hapon ang madalas na nagpapakita sa mga saksi gayun din ang isang white lady.


  • Ang Hospital ruins at bunkers, Corregidor - ay dating ospital na nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa mga dumadayo sa lugar, nakakarinig sila ng mga yabag at mga nakagawiang mga galaw sa isang ospital. Nakakarinig din sila ng mga halinghing mula sa mga bunker (hukay na lupa na pinupuwestuhan ng sundalo upang hindi makalapit ang kalaban).


  • Ang Malinta Tunnel, Corregidor - ay nagsilbing underground headquarters ng mga US Armed Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ayon sa mga turista at ibang mga dumadayo, sila ay nagpapatunay na nakakakita sila ng mga espiritung ligaw at nakakarinig ng mga daing at ungol at iba pang nakakapangilabot na pangitain. Ayon sa mga psychics na bumisita sa nasabing lugar, nakikita umano nila ang presensya ng mga kaluluwang gumagala-gala. Ang iba naman ay nagpapakita sa mga imahe ng mga turistang kumukuha ng litrato.
Inabandonang Clark Hospital sa Pampanga


  • Ang Manila Film Center, Lungsod Pasay - ay ipinatayo ng dating unang ginang, Imelda Marcos noong dekada '80 para sa Manila International Film Festival. Noong Nobyembre 17, 1981, kasalukuyang ginagawa ang gusali at habang ibinubuhos ang semento, gumuho ang unang palapag ng nasabing gusali at natabunan ang ilang mga trabahador sa sariwang semento at ang iba naman ay natuhog sa mga upright steel bars. Sa kakulangan ng oras upang makaabot sa pagbubukas ng Film Festival, ang iba ay hindi na hinukay at tinabunan na lamang ng semento at nailibing ng buhay. Mula noon, marami nang mga saksi ang nakakramdam ng mga kahindik-hindik na pagpaparamdam ng mga kaluluwang ayon sa kanila, ay hindi matahimik at humuhingi ng hustisya.


  • Ang Balete Drive, Lungsod Quezon - ay kilalang lugar sa lungsod Quezon na pinaniniwalaang binabahayan at madalas na pinagpapakitaan ng isang white lady. May dalawang bersyon sa nasabing aparisyon ng naturang multo, ang una ay ang paggahasa ng isang tsuper ng taxi sa isang dalagita noong dekada '50. Ang ikalawang bersyon naman ay ang paggahasa ng mga sundalong Hapon sa isang babae noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kaluluwa ng babaeng ito ay maaring naghihiganti o humihingi ng hustisya. Pinabubulaanan ang mga motorista na iwasan ang lugar na ito pagsapit ng dilim o di kaya ay maghanap ng ibang daan sapagkat maraming nakapagsasabi at nagpapatunay na ang naturang white lady ay madalas na nagpapakita sa likod ng sasakyan na walang ulo o di kaya ay may duguang mukha.


  • Ang Ozone Disco, Lungsod Quezon - ay isang kilalang disco house na nasunog noong Marso 18, 1996. Idinaos dito ang selebrasyon ng pagtatapos ng mga kabataang nagtapos ng high school at sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng problema sa electrical wiring na pinagkaumpisahan ng sunog. Mahigit 150 na kabataan kasama na pati ang mga empleyado ng Ozone disco ang nakulong sa loob ng establisamiyento. Magmula noon, marami nang nakakasaksi ng mga halinghing at atungal, at mga anino


  • Ang Clark AB Hospital, Pampanga - ay isang limang palapag na inabandonang ospital nang umalis ang US military base sa Clark Air Base. Dito dinadala ang mga sugatan at mga patay noong panahon ng Vietnam War noong dekada '60. Sinasabing maraming mga kaluluwang nagpapakita dito at hindi maipaliwanag na ingay na nagmumula sa loob ng nasabing ospital, at kahit nasa labas pa lamang ng gusali ay may mararamdaman na agad na kakaibanag presensya ng espiritu.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.