Mga Pangunahing Bangko sa Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Naging mahirap para sa bansa at sa buong mundo ang taong ito sa usapin ng ekonomiya at pananalapi. Ang mga natural na kalamidad ay nakasira ng maraming kabuhayan at negosyo. Ngunit sa kabila ng malungkot na mga pangyayari, ang mga institusyon ng pananalapi ay hindi natinag. Ang unang bangko sa Pilipinas ay itinatag sa Manila noong Agosto 1, 1851. Ito ay tinawag na El Banco Espanol Filipino de Isabel 2, ang kauna-unahang bangko sa buong Southeast Asia. Noong Enero 1, 1912, panahon ng kolonyalismong Amerikano, pinalitan ito ng pangalan upang mawala ang anumang koneksyon ng bangko sa Espanya. Tinawag na itong Bank of the Philippine Islands. Ito ang sampung mga bangko sa Pilipinas na nagawang i-angat ang kanilang kita at harapin ang mga hamon sa pandaigdigang krisis.


  • Banco de Oro

Kung ang mga ari-arian, halaga ng mga deposito, bilang ng mga sangay at kliyente sa buong bansa ang pag-uusapan, ang Banco de Oro ay isa sa mga pinakamatatag na bangko. Simula pa nang nakipag-isa ito sa Equitable PCI Bank noong ika-27 ng Disyembre 2006, nagawa nitong mapalawak ang naabot na lugar at serbisyo. Sa isang survey sa Asya, ang Banco de Oro ay nakalista bilang ika-pito sa laki ng ari-arian na nakamit nito. Ito ay mayroong kitang P150 milyong noong nakaraang taon.


  • Metrobank

Napili bilang numero uno sa usapin ng financial reputation sa isang survey na inilunsad ng Wall Street Journal Asia ang Metrobank. Matagal na itong institusyon ng pagbabangko sa bansa. Ito ay may mahigit kumulang 800 na lokal at internasyonal na sangay at opisina, kasali na dito ang mga sangay sa Hong Kong, Madrid, Milan, at Chicago. Ito din ay naging numero uno sa survey ng Asian Banking matapos nitong makamit ang P463 milyong laki ng ari-arian noong nakaraang taon.


  • Bank of the Philippine Islands

Ito ang may pinakamaraming parangal na natanggap. Ang Bank of Philippine Islands (BPI) ay ang pinakamatandang bangko, hindi lang sa bansa, kundi sa buong Southeast Asia. Noong 2008, ito ay ginawaran ng The Banker bilang pinakamahusay na bangko sa Pilipinas. Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakatanggap ang BPI ng parehong parangal; una noong 2005 at ikalawa noong 2006.


  • Landbank of the Philippines

Ang Landbank ay kumita ng kabuuang P512 milyong. Ito ay pagmamay-ari ng gobyerno ng Pilipinas at nakatutok sa pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa. Ngayong taon, nakamit na nito ang kita na P23 milyon o ang pagtaas ng 22.7% sa kita noong nakaraang taon.


  • Development Bank of the Philippines

Kamakailan lamang ay pinarangalan ito bilang Most Outstanding Corporate Social Responsibility Project ng Association of Development Financing Institutions in Asia and the Pacific. Kasabay nito ang P3.73 bilyong kita ng bangko noong 2006. Kahit na hindi pagmamay-ari ng pamahalaan ang kabuuan nito, isa pa rin ito sa mga pangunahing stockholders.


  • Philippine National Bank

Itinatag noong panahon ng Amerikano, ang Philippine National Bank ay lumawak hanggang naging isa sa pinakamalaking bangko sa buong bansa. Ngayon, ito ay may 100 sangay sa Pilipinas at may iilan pa sa Asya, Hilagang Amerika, at Europa. Ito ay nasa ika-anim na pwesto sa survey ng Asian Banking dahil sa sobra sa P212 milyong laki ng ari-arian. Kamakailan ay may mga pag-uusap tungkol sa pakikipagsanib nito sa Allied Bank na maaaring maging pormal sa susunod na taon.


  • Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)

Ang bangkong ito ay ika-lima sa mga bangkong komersyal sa bansa dahil sa buong ari-arian nito na umabot sa halaga na P239 bilyon noong 2007. Malapit na nilang ipagdiwang ang kanilang ika-40 taon. Ito din ay nakapagtatag ng magandang relasyon sa Lehman Brothers noong 2007 upang maging mas matatag ang pwesto nito sa larangan ng pananalapi.


  • Union Bank of the Philippines

Ito ay may humigit kumulang na 2,700 na empleyado na nagpapatunay lamang sa kanilang malawak na operasyon. Isa sa pinakamahalagang yugto ng kasaysayan ng bangko ay ang pagkakaisa nito sa International Exchange Bank. Ang Union Bank of the Philippines ay nakatutok sa pagpamahala ng corporate cash, consumer finances at distribution network.


  • ChinaBank

Dahil sa halagang P107,128 milyon sa laki ng ari-arian nito, ito ay ang ika-12 sa survey ng Asian Banking. Nagsimula ito noong 1920 na may pansimulang puhunan na P10 milyon at ngayon ay isang malaking bangko na. Noong 1991, kinilala na itong isang bangkong pang-internasyunal.


  • Citibank

Isa ito sa mga pinaka-unang credit card venture sa lahat ng mga bangko sa Pilipinas nang sinimulan nito ang sariling negosyo sa credit card noong dekada 60. Itinatag noong 1812, ang bangko ay isa sa mga nangungunang institusyong pangpinansyal hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ito ay naitala bilang ikatlong pinakamalaking bangko sa Estados Unidos dahil sa laki ng ari-arian nito.

[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.