Mga Kasangkapang Ginagamit sa Pangkukulam

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Tarot Cards


Daang-libong taon na ang nakalilipas, iba't-ibang systema, tradisyon at kasangkapan ang ginagamit ng mga mangkukulam upang maisagawa ang naturang gawain. Ang mga sumusunod ay ang instrumentong malimit na ginagamit o mga kagamitang iniuugnay sa pangkukulam.


  • Ang Athame ay isang lansetang malimit na ginagamit ng mga mangkukulam sa kanilang mga rituwal. Itinuturing itong isang personal na kagamitan na may taglay na mahika na lubos na pinakakaiingat-ingatan. Ang tradisyonal na athame ay may dalawang edgeat may itim na hawakan. Ang mga mangkukulam ang siyang lumilikha ng sarili nilang athame at ginagawa ang lahat ng paraan upang maging sakto ang sukat sa kanilang kamay. Kung hindi man sila makapaglikha ng sarili nilang athame, gumagamit sila ng family heirlooms o bagay na minana pa sa kanunu-nunuan tulad ng letter opener. Ginagawa pa nilang mas personal ang kagamitang ito sa pamamagitan ng pagukit ng mga letrang ginagamit sa okultism o runes, mga carvings at iba't-iba pang mga simbolo na may espesyal na kahulugan sa kanilang buhay.


  • Ang Walis ay ang karaniwang simbolong iniuugnay sa mga mangkukulam mula pa noong unang panahon. Ginagamit nila ito bilang panglinis na rituwal. May mga mangkukulam na naglalagay ng walis sa labas ng kanilang pinto kung saan ang eskoba ang nasa itaas, sa paniniwalang magiging panangga ito laban sa mga masasamang espiritu at masawata ang pagpasok ng mga hindi kanais-nais na elemento.


  • Hindi tulad ng walis, ang Batingaw ay hindi gaanong naiiuugnay sa mga mangkukulam. Ngunit ilang siglo nang kilala ang mga kampana o batingaw sa taglay nitong kapangyarihan. Ang mga kampana ay madalas na iniuuganay sa kabanalan at kadalasang ginagamit sa pagbubukas at pagtatapos ng mga sermonyang hinggil sa relihiyon gayun din ang pagbubukas at pagtatapos ng mga spell casting.


May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Bolang Kristal
  • Ang Cauldron ay isa mga simbolong may koneksyon sa mga mangkukulam. Ang tradisyonal na cauldron ay may tatlong paa at pinaniniwalaang sumasagisag sa biyaya at kasaganaan. Ang cauldron ay sinasabi ding kumakatawan sa yugto ng kapanganakan, kamatayan at muling pagsilang. Ito ay may samu't-saring laki at kadalasang nagsusunog ng insenso o lumilikha ng spells para sa iba't-ibang gamit o layunin ng pagkukulam.


  • Ang Chalice o kopita ay madalas na ginagamit sa mga altar at tipikal na sumasagisag sa prinsipyo ng tubig, elemento ng apoy at simbolo ng Dyosa. Ang mga ito ay karaniwang gawa sa kahit na anong materyal ngunit mas pinipili ng mga mangkukulam ang mga chalice na gawa sa pilak o pewter. Ito ay ginagamit kasama ang athame sa pagsasadula ng rituwal nang pagdadaop ng lalaki at babae. Ang chalice ay ginagamit din upang magkaroon ng matibay na ugnayan ang mga taong kabilang sa rituwal sa pamamagitan ng pag-inom sa iisang kopita.


  • Ang Paton o Altar Pentacle ay isang platong may bituwin o star na may limang sulok na nakapalibot sa isang bilog. Ito ay ginagamit sa pag-consecrate ng iba't-ibang mga kagamitan at ginagamit din bilang consecration point para sa ibang magical spells.


  • Ang iba't-ibang kulay ng kandila na ginagamit sa pangkukulam ay may katumbas na kahulugan. Ito rin ay ginagamit upang magbigay ng liwanag sa altar


  • Ang Bolang Kristal - ay isang mahalagang at sagradong kagamitan na kadalasang ginagamit sa pangkukulam o sa panghuhula. Ang Scrying ay isang kaganapan kung saan dito makikita ang iba't-ibang anyo o imahe na may kaugnayan sa tugon sa mga katanungan, sisidlan ng enerhiya, at iba pa. Ang mga impormasyong lumalabas dito ay sinasabing nakatutulong sa mahahalagang desisyon ng isang tao tulad ng pagmamahal, pag-aasawa, buhay pinansyal, paglalakbay, negosyo, at marami pang iba. Ito ay maaring magamit lamang ng iisang tao at kinakailangan ay may espesyal na sisidlan bilang pagbibigay galang at respeto.


  • Ang Insenso ay kadalasang ginagamit sa paglilinis ng lugar na pagriritwalan. Ito ay tumutulong din sa pagimbita sa mga espirito at elemental.


  • Ang Tarot Cards ay isang talaksan ng baraha na tulad ng bolang kristal ay kalimitang ginagamit ng isang mangkukulam para sumagot ng mga katanungan. Ang isang mangkukulam ay dapat maging pamilyar sa kanyang barahang ginagamit upang maging mas epektibo at episyente ang panghuhula. Sa tinagal-tagal na nang paggamit ng Tarot Cards, nakasanayan na ito ng maraming kultura, iba-iba man ang relihiyon. Sa pangkaraniwan, ang isang tarot card deck ay may 78 na cards - 21 dito ay ang tinatawag na Major Arcana, kung saan ang bawat card ay may simbolo na may katumbas na kahulugan; ang natitirang 56 naman ay tinatawag na Minor Arcana, at ito naman ay hati sa apat na suits - cups, coins (o pentacles), swords, at batons (o wands).


  • Ang mga Voodoo dolls ay isa sa mga popular na kagamitan aa pangkulam. Ito ay ginagamit upang makapagsagawa ng tuwirang epekto tulad ng intensyong makapanakit sa taong nais na kulamin. Halimbawa, maaring gumamit ng dalawang manika upang maapektuhan ang relasyon ng dalawang tao (pagdidikit o paghihiwalay ng dalawang manika, kaugnay sa paglalapit o pagbabalik o paghihiwalay ng dalawang tao). Ang sumpa ay kadalasang sinasamahan ng buhok, ginupit na kuko o kahit na anong body liquids na nagmula sa taong nais kulamin at idinidikit sa manika. KInakusap ito o di kaya ay tinitusok ng karayom upang magdulot ng sakit.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.