Mga Kapistahan ngayong Tag-araw

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso at pagkahilig sa kasiyahan kung kaya't hindi nakapagtataka kung bakit isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming kapistahang idinaraos at ipinagmamalaki. Ang mga pagdiriwang na ito ay ilan sa mga pinaka-inaabangang selebrasyon sa bansa. Ito ay madalas na dinadayo ng mga lokal at banyagang turista.

Idinaraos ang mga piyestang ito dahil sa iba't-ibang kadahilanan tulad ng pasasalamat sa kanilang patron sa masaganang ani, pagunita sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan o di kaya'y pagbibigay parangal sa mga kapanganakan o kamatayan ng kanilang santong patron. Kapag sinabing piyesta, hindi mawawala ang masaganang pagkain, masasayang tugtugin, mga palaro at paligsahan.

Ang mga kapistahan ay bahagi na ng kultura ng Pilipinas at ang mga selebrasyong ito ay nakakatulong sa pagbibigay-sigla sa mga Pilipino gayun din ang pag-angat ng turismo sa bansa.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kapistahan na tunay na maipagmamalaki natin sa ibang bansa:



left|120px


Dating Baguio Flower Festival, ang Pista ng Panagbenga ay isang buong buwang selebrasyon kung saan ipinagmamalaki ang engrandeng parada ng mga bulaklak gayun din ang mayamang tradisyon ng Lungsod Baguio. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.



Paraw regatta.jpg


Ito ay kilalang pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod Iloilo at Guimaras tuwing unang lingoo ng Marso at tampok dito ang karera ng daan-daang paraw (bangkang mag layag) sa kahabaan ng water strait sa pagitan ng Iloilo at Guimaras. Ito ay may layuning iangat ang turismo ng nasabing bayan gayun din ang pangangalaga at pagpreserba sa mga paraw bilang bahagi ng kanilang kultura at kasaysayan. Kasama sa kasiyahang ito ay ang Pinta Paraw (pagpinta ng mga paraw), Pintawo (pagpinta sa katawan), torneo ng pangingisda, at Regatta Model Search.



left|170px


Ginugunita ang Pista ng Saging tuwing 18-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoro upang ipagdiwang and kasaganahan ng saging. Ipinagmamalaki dito ang iba't-ibang uri ng saging tulad ng Senorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din nang selebrasyon na ito ay ang kapistahan ng patron na si San Jose.

Ipinagdiriwang naman ang Pista ng Saging sa Davao del Norte tuwing unang linggo ng Hulyo kasabay ng anibersaryo nang lalawigan. Ang selebrasyong ito ay nagbibigay halaga sa pangunahing produkto na nag-aambag ng pangkabuhayan sa probinsya - ang saging.


Moriones.jpg


Ang Marinduque ay kilala sa kanilang relihiyosong kapistahan na Pista ng Moriones na ginaganap tuwing Semana Santa. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang pangunahing atraksyon ng lalawigang ito ay ang pagsasadula ng mga taga-Boac ang pangyayari noong sandaling tinusok ng sibat ni Longhino ang tadyang ni Hesus at ang dugong tumalsik sa mukha ng naturang bulag na kawal ang mahimalang nagpanumbalik ng kaniyang paningin. Kasabay nito ang pagganap sa lansangan ng iba’t-ibang parada at kasiyahan.



right|160px


Ang Pista ng Pahiyas ay isang makulay na selebrasyon na ginaganap tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Qurzon. Ito ang pasasalamat at pagbibigay-parangal ng mga magsasaka kay San Isidro Labrador dahil sa kanilang masaganang ani. Tampok dito ang makukulay at magarbong dekorasyon ng mga bahay sa kahabaan ng lansangan kung saan ang palamuting ginagamit nila ay mga produkto mula sa kanilang ani tulad ng prutas, gulay, butil at tangkay ng bigas, iba't-ibang bulaklak, pako (fern), manipis at maliit na biskotso (wafer) at kiping. Itinuturing itong isang tourist attraction sa nasabing bayan dahil sa dami ng lokal at dayuhang turistang dumadayo taon-taon upang masaksihan ang ganda at saya ng mga aktibidad ng kapipstahang ito.



Flores de mayo1.jpg


Ang Flores de Mayo o (bulaklak ng Mayo) na kung minsan ay tinatawag din na Flores de Maria (bulaklak ni Maria) ay ang pagbibigay papuri kay Birheng Maria sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanya sa buong buwan ng Mayo.

Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nag umpisa noong 1854 nang ang Vatican ay nag proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan na nung maglaon ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.



right|160px


Ang Santacruzan na tinaguriang "Queen of Filipino Festivals" ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Idinaraos sa buong bansa, isinasalarawan sa tradisyonog ito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino. Magagandang mga dilag ang pinipili ng mga lalawigan upang lumahok sa nasabing prusisyon. May ilang mga personalidad sa industriya ng pelikula at telebisyon ang lumalahok sa ganitong pagdiriwang at kadalasan ay nagiging tampok sa sagala bilang reyna at konsorte.



Carabao1.jpg


Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 hanggang 16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulakan.

Tampok sa kapistahang ito ay ang pagluhod ng mga malilinis at pinturadong kalabaw sa harap ng simbahan upang tumanggap ng bendisyon ng pari gayun din ang karera ng mga kalabaw.




right|170px


Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay paranagal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan.

Ang mga mag-asawang hindi magka-anak ay kadalasang nagdarasal sa pamamagitan ng pagsayaw sa Birhen ng Salambao (santo ng mga mangingisda para sa masaganang pangingisda), kay San Pascual de Baylon (modelo ng kabutihan) at kay Santa Clara (patron ng mga hindi magkaanak).


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.