Mga Ilog sa Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Mga Ilog sa Filipinas)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Maipagmamalaki ng Filipinas ang mga ilog nito, na ayon sa National Statistics Office (NSO), ay may kabuuang bilang na 374 na matatagpuan sa 79 lalawigan. Ang nasabing mga ilog ay bukod pa sa mga sapa, batis, bukal, dagat, dungsol, talon, sanaw, at iba pang pinagmumulan ng tubig. Tatlong malalaking ilog ang matatagpuan sa Filipinas, at kabilang dito ang Ilog Cagayan, Ilog Agno, at Ilog Pampanga. May habang 353 kilometro ang Ilog Cagayan, at may lawak na 20,000 kilometro kuwadrado. Pinagsasaluhan ang naturang ilog ng tatlong lalawigan: Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya. Samantala, ang Ilog Agno at kaugat nitong tubigan ay gumagapang sa Pangasinan at nagwawakas sa Golpo Lingayen. Umaagos naman ang Ilog Pampanga papasok sa Look Maynila, at nagbubuga ng tubig sa mga palayan at tubuhan ng Pampanga. Ang maliliit nitong batis ang nagpapatubig sa Bulakan at Nueva Ecija sa Luzon.

Samantala, ang Ilog Pasig, na pumapasok sa Look Maynila, ay lagusan ng Lawa Laguna. Noong sinaunang panahon, ang Ilog Pasig ay mahalagang daanan tungo sa mga pasigan ng Maynila at Pasig. Wala namang malalaking ilog ang Visayas, ngunit napakarami namang batis na nagpapasigla sa mga lupain. Sa Mindanao, ang Ilog Agusan ay maaaring tawirin o baybayin ng bangka, ngunit sa ilang bahagi lamang nito. Ang Ilog Catabato ay umaagos sa Golpo Moro, at matatawid tungo sa kabundukan ng Cotabato.

[baguhin] Sanggunian

  • 2006 Philippine Yearbook, edisyong 20. Walang awtor. Maynila:NSO, p. 21.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.