Mga Ibong Mandaragit

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez, ang Mga Ibong Mandaragit (1969) ay tungkol sa paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa mga dukha.

Binuksan ang nobela sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Mando, na kilala rin sa palayaw na Andoy, ay katulong sa tahanan ng pamilyang Montero. Lilisanin ni Mando ang kaniyang bayan upang ipaglaban ang kalayaan ng bansang sinakop ng Hapones, at pagkaraan ay magbabalik na taglay ang kayamanang mula sa itinapon sa dagat ni Padre Florentino na tauhan sa El Filibusterimo. Isusulong ni Mando ang dalawang mithi. Una, ang pagtatatag ng malayang pamantasan, at ikalawa, ang pagbubunsod ng malayang pahayagang tinawag na Kampilan. Sa tulong ni Dr. Sabio, na pangulo ng pamantasan, sinikap ni Mando na humanap ng mga paraan upang mapaghunos ang sistemang pinangingibabawan ng iba't ibang uri, gaya ng sakim na panginoong maylupa, bulok na politiko, malayaw na pari, at kontrabidang hukom, na pawang ang pinanatili lamang ay kanilang interes. Sa pagwawakas ng nobela'y sisilang ang mga nagkakaisang magsasaka na ipaglalaban ang kanilang mga karapatan hinggil sa kanilang lupang sinasaka.

[baguhin] Sanggunian

  • Hernandez, Amado V. Mga Ibong Mandaragit, na nalathala noong 1969.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.