Mga Halamang-Gamot sa Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Mga Halamang Gamot

==Ampalaya (Momordica chara

Kahit mas kilala bilang isang mapait na gulay, ang ampalaya ay isa sa mga karaniwang halamang-gamot sa Pilipinas at sa buong Asya na itinuturing na nagbibigay-sustansiya sa katawan. Ayon sa mga pag-aaral, ang prutas at dahon nito ay naglalaman ng iron, calcium, at phosphorus na mahahalagang mineral sa katawan. Sinasabing ang pagiging mapait ng prutas nito ay dahil sa quinine, isang anti-malarial, anti-inflammatory na kemikal. Gayunpaman, wala pang mabusising pag-aaral ang naisasagawa upang patotohanan

Ayon sa pinaniniwalaan, ang ampalaya ay nakatutulong sa paglunas ng type-II diabetes. Dahil dito, marami nang gumagawa at nagbebenta ng food supplements na gawa sa halaman ng ampalaya, kahit wala pang siyentipikong batayan ang ipinapahayag na husay nito.


Mga nilalaman

[baguhin] Banaba (Lagerstromia speciosa)

Ang banaba ay isang punong matatagpuan sa mga isla ng Batanes, Luzon, Palawan, Mindanao at Sulu. Ito ay malimit itinatanim sa Maynila dahil sa magaganda nitong mga bulaklak.

Sikat ang banaba bilang pangontra sa diabetes mellitus. Inihahanda ang mga dahon nito bilang tsaa at ipinaiinom sa mga may mataas na blood sugar. Dagdag dito, nakatutulong din daw ang banaba sa pagpapababa ng lagnat at paglunas sa suliranin ng pagtatae o diarrhY

ang halamag prutas na nakakabaliw at pampababa ng IQ mataas ito sa sugar level pwedeng pwede sa may diabetes <3 <3

[baguhin] Bawang (Allium sativum)

Ang bawang ay sikat hindi lamang sa kusinang Pilipino kundi pati sa larangan ng panggagamot. Pinaniniwalaang nakagagamot ang halaman ng mga sakit sa puso, tulad ng high blood pressure, high cholesterol, at atherosclerosis. Ibinababa raw kasi ng bawang ang mga free radicals sa dugo, kaya nababawasan ang pamumuo ng mga atherosclerotic plaque o bara sa mga blood vessel.


[baguhin] Lagundi (Vitex negundo)

Dahil sa napatunayan na ang epekto nito sa iba't ibang karamdaman, isa ang lagundi sa mga halamang-gamot na inirerekomenda ng Departamento ng Kalusugan. Ang mga dahon ng lagundi ay malimit na ipinantatapal sa mga bahagi ng katawan na may rayuma at pilay. Ang langis na taglay nito ay napatunayang nakapagpapaalis ng pamamaga at pamumula ng balat. Samantalang ang katas naman nito, na kinakikitaan ng mga katangiang antibacterial, antifungal at analgesic, ay itinitimpla at ipinaiinom sa mga pasyenteng may matinding ubo.


[baguhin] Ulasiman-bato (Peperomia pellucida)

Kahit itinuturing ito bilang isang damo, ang ulasiman-bato o mas kilala sa tawag na pansit-pansitan ay isa sa mga halamang-gamot na epektibo sa paglunas ng mga pigsa at nagnanaknak na mga sugat. Idinidikdik ang buong halaman nito at itinatapal sa bahagi ng katawang may pamamaga. Sa Kanlurang Aprika, isa ang ulasimang-bato bilang sangkap sa gamot laban sa kombulsyon. Bukod dito, maaari rin itong ihain bilang salad.


[baguhin] Akapulko (Cassia alata)

Ang halamang-gamot na ito ay kilala din bilang "bayabas-bayabasan" o "ringworm bush" sa wikang Ingles. Ito ay ginagamit na panglunas ng kagaw at iba pang impeksyon sa balat. Ang pinagpakuluan ng dahon ay ginagamit naman na panglunas ng brongkitis at hika.


[baguhin] Bayabas (Psidium guajava)

Ang bayabas ay ginagamit bilang antiseptiko upang patayin ang mikrobyo sa mga sugat. Ito rin ay maaring gamitin bilang pangmumuog sa mga may sira ang ngipin o sa mga may impeksyon sa gilagid.


[baguhin] Sambong (Blumea balsamifera)

Ang sambong ay may sangkap na pampanubig na nakakatulong sa pagpapalabas ng urinary stones. Ang pinagpakuluan ng dahon ng sambong ay ginagamit na panglunas sa pamamanas, alta-presyon, rayuma, lagnat at sipon.

-) O:-) <3 :-!

[baguhin] Tsaang Gubat (Ehretia miawdawdaw[lko a crophylla Lam)

Inihahahnda na parang tsa-a, ang Tsaang gubat ay epektibong nakakapagpagaling ng intestinal motility. Ito rin ay ginagamit bilang pangmumuog sapMakapal na panitik

[baguhin] Sanggunian

  • Quisimbing, Eduardo (1978). Medicinal Plants of the Philippines. Katha Publishing Co., Inc.: Quezon City, Philippines.
  • EntrePinoys.Atbp (hinango noong Agosto 14, 2008).
  • Philippine Herbal Medicine. (hinango noong Agosto 14, 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.