Mga Dakilang Pilipinang Pinuno

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan


Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga kababaihang Pilipino ay ginagalang at pinupuri sa lipunan. Mula noon, ang bansa ay nagbunga ng mga premyadong mga alagad ng sining at iskolar sa iba't-ibang larangan ng kaalaman kung saan sila ay naging mga tagapagtatag at pinuno sa kanilang napiling propesyon.

Ang sumusunod ay ilan sa mga dakilang Pilipina na nakatulong sa pag-unlad ng bansa gayun din ang pagbibigay-pugay sa mga Pilipina:


Mga nilalaman

[baguhin] Francisca Reyes-Aquino

  • Ina ng Sayawan ng Pilipinas (Mother of Philippine Dancing)

Si Francisca Reyes-Aquino ay isang edukador at nasyonalista. Siya ang kauna-unahang Pilipina na ginawaran at itinanghal bilang isang Pambansang Alagad ng Sining dahil sa kaniyang kontribusyon sa sayaw noong 1973. Naglakbay siya sa buong Pilipinas upang mag-obserba at magtala ng mga sayaw at iba't-ibang tropang mananayaw tulad ng Filipiniana Dance Troupe. Itinatag ni Dr. Reyes-Aquino ang Filipiniana Folk Dance Troupe at noong 1949 binuo naman niya ang Philippine Folk Dance Society. Pinagkalooban siya ng "Philippine Republic Award of Merit" para sa kaniyang walang pagod na pagpapalawig sa folk dances gayun din ang kaniyang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng sayawing Pilipino.


[baguhin] Melchora Aquino

  • Ina ng Katipunan (Mother of Katipunan)
  • Ina ng Balintawak (Mother of Balintawak)

Si Melchora Aquino ay ang kilala din sa tawag na "Tandang Sora". Siya ay isang matapang na rebolusyonaryo noong panahon ng Philippine Revolution noong 1896. Si Aquino ay namamahala noon ng isang tindahan kung saan ginawa itong isang silungan ng mga may sakit at sugatan ng mga mandirigma. Pinakain, binigyan ng pangunahing lunas, binigyan ng payo at pinagdasal ang mga rebolusyonaryo. Ang mga patagong pagpupulong ay idinaraos din sa kaniyang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit binansagan siyang, "Ina ng Katipunan". Nang matuklasan ng mga Kastila ang kaniyang mga gawain, si Aquino ay inaresto at pinalayas sa Mariana Islands.


[baguhin] Dr. Clare R. Baltazar

  • Ina ng Entomolohiya sa Pilipinas (Mother of Philippine Entomology)

Si Dr. Baltazar ang isang pangunahing entomolohista o isang dalubhasa sa insekto. Siya ang awtor ng Philippine Insects, ang unang authoritative text ukol sa mga insekto sa Pilipinas. Siya ay pinagkalooban ng Rizal Patria Award sa entemolohiya noong 1980. At noong 2001, siya naman ay ginawaran ng titulong, National Scientist ng dating pangulong Joseph Estrada.


[baguhin] Mercedes B. Concepcion

  • Ina ng Demograpiya ng Asya (Mother of Asian Demography)

Ang pagsasaliksik ni Mercedes Concepcion tungkol sa paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isang makabuluhang tagunton na nakatulong sa pag-unlad, pagsubaybay at pagsuri sa patakaran at programa ng national population. Ang kaniyang pangunguna sa pananaliksik ukol sa populasyon sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya ay kinikilala at pinapahalagahan sa buong mundo.


[baguhin] Engracia Cruz-Reyes

  • Ina ng Lutong-Pinoy (Mother of Filipino Cooking)

Kilala bilang Aling Asiang, siya ay sagisag ng kasaysayan at kultura ng pagluluto dito sa Pilipinas. Kasama ang asawang si Alexander, nagtayo sila ng isang restoran na kilala ngayon bilang, Aristocrat. Ang Aristocrat ay kinilala bilang Philippines’ Most Popular Restaurant. Si Aling Asiang naman ay itinanghal bilang huwaran ng National Historical Institute kung saan siya ay may historical marker sa Plaza Raja Soliman.


[baguhin] Gregoria de Jesus

  • Ina ng Rebolusyon ng Pilipinas (Mother of the Philippine Revolution)

Kilala din bilang Aling Oriang, siya ang maybahay ni Andres Bonifacio, ang supremo ng Katipunan. Siya ang tagapagtatag at bise-presidente ng kababaihang sangay ng Katipunan of the Philippines. Siya ang naging tagapangalaga ng mga dokumento at selyo ng Katipunan.


[baguhin] Damiana Eugenio

  • Ina ng mga Alamat sa Piliipnas (Mother of Philippine Folklore)

Si Damiana Eugenio ay isang folklorist na tanyag sa kaniyang kaalaman sa kuleksyon ng mga sulating pampanitikan na tinipon sa ilalim ng isang buod o paksa tulad ng epiko, mga kwento, mitolohiya, at salawikain. Isa siyang propesor, manunulat at mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas at siya ring may pasimuno sa mga paglalathala ng mga oral at epic na literatura.


[baguhin] Leona Florentino

  • Ina ng Literaturang Pangkababaihan ng Pilipinas (Mother of Philippine Women's Literature)

Si Leono Florentino ay isang tanyag na makata sa Español at Ilocano. Siya ang kauna-unahang Pilipinong makata. Ang kaniyang lyrical poetry sa Español lalong-lalo na sa Ilocano ay nagtamo ng pansin mula sa iba't-ibang pandaigdigang forum. Bilang patunay na ang kaniyang mga obra ay kinilala sa ibang bansa, si Florentino ay napasama sa Encyclopedia Internationale des Oeuvres des Femmes (International Encyclopedia of Women’s Works) noong 1889.


[baguhin] Dr. Raquel del Rosario-Fortun

  • Ina ng Patolohiyang ginagamit sa Paglilitis (Mother of Philippine Forensic Pathology)

Si Dr. Raquel del Rosario-Fortun ay ang unang babaeng Forensic Pathologist sa Pilipinas. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga imbestigasyon sa mga krimen at sakuna sa loob at labas ng bansa. Si Dr. Fortun ay ang unang babaeng nagsanay sa forensic pathology o ang patolohiyang ginagamit sa paglilitis. Labing-pitong taon na rin siyang nagtuturo ng forensic pathology. Siya ay ginawaran ng 2002 TOYM award para sa Forensic Pathology.


[baguhin] Leonor Orosa-Goquinco

  • Ina ng Sayawang Pang-Teatro ng Pilipinas (Mother of Philippine Dance Theater)

Si Leonor Orosa-Goquinco ay isang tagapasimuno ng tagapagsaayos ng sayaw na itinatanghal (choreographer) sa Pilipinas. Ginawaran siya ng titulong, Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas noong 1976. Ipinagsama niya ang elemento ng classical ballet at katutubong sayaw ng Pilipinas. Tumulong siya sa pagtayo ng Philippine Ballet Theater at siya ang nagpasimuno sa pagtatag ng Filipinescas Dance Company.


[baguhin] Honoria Acosta-Sison

  • Ina ng Obstetrika sa Pilipinas (Mother of Philippine Obstetrics)


Si Dr. Honoria Acosta- Sison ay ang kauna-unahahang Pilipinang manggagamot at ang unang Pilipino na nakapagtapos sa American Medical School at pinaka-unang espesyalista o dalubhasa sa obstetrics.


[baguhin] Trinidad Tecson

  • Ina ng Philippine National Red Cross (Mother of Philippine Red Cross)
  • Ina ng Biak na Bato (Mother of Biak na Bato)

Kilala bilang Ina ng Biak-na-Bato at Ina ng Awa ng Philippine Revolution. Nakipaglaban siya kasama ang mga kalalakihan upang ipagtanaggol ang kalayaan mula sa mga Kastila. Siya rin ay binigyan ng titulong Ina ng Biak-na-Bato ni Gen. Emilio Aguinaldo at pinuri bilang Ina ng Philippine National Red Cross dahil sa kaniyang hindi matatawarang tulong sa mga Katipunero.


[baguhin] Janette Toral

  • Ina ng E-Commerce Law-RA8792 sa Pilipinas (Mother of E-Commerce Law-RA8792)

Si Janette Toral ay isang tagasanay (trainer), manunulat, SEO consultant, blogger, policy lobbyist at negosyante. Siya ay kinikilala bilang kampeon ng information technology dahil sa kaniyang pagsulong sa sektor ng IT sa loob at sa labas ng bansa.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.