Maximino Hizon

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Maximo Hizon)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

right|thumb|200px|Maximino Hizon Si Maximino Hizon (28 Mayo 1870 – 1 Setyembre 1901) ay isang rebolusyonaryong Filipino, na namuno sa aklasan laban sa mga Espanyol. Siya ang nag-utos na patayin ang kura paroko ng Mexico, Pampanga.

Mga nilalaman

Katipunero

Isinilang at nakapag-aral si Hizon sa Mexico, Pampanga. Nagtungo siya sa Maynila upang bumisita, na noon ay kasalukuyang may binubuong samahan na tinawag na Katipunan. Si Hizon ay dumalo sa mga lihim na pagpupulong ng Katipunan, at hindi nagtagal, siya ay naging katipunero. Nang makabalik sa kaniyang lalawigan, si Hizon ay nangalap ng tao at nagtatag ng lokal na sangay ng Katipunan sa Mexico, Pampanga. Nang matuklasan ng mga Espanyol ang mga aktibidad ni Hizon, siya ay inaresto at ipinatapon sa Jolo, Sulu, at doon nanatili ng isang taon. Nakalaya siya nang lagdaan ang Kasunduan sa Biyak na Bato, at muling sumali sa rebolusyon.

Si Hizon ay naging Kumandante-Heneral ng Pampanga, na namuno sa pagsalakay sa kuta ng mga Espanyol sa San Fernando, Pampanga.

Digmaang Filipino-Amerikano

Noong 26 Hunyo 1898, nakipagpulong si Heneral Hizon sa mga kinatawan ng bawat bayan sa Pampanga, upang makalikom ng pondo para sa binabalak ni Hen. Emilio Aguinaldo rebolusyonaryong pamahalaan. At nang maitatag ang Kongreso ng Malolos, si Hizon ang kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon.

Si Hizon at ang kaniyang mga kawal ay naatasan sa isang mahirap na misyon, pinakukuha sa kanila muli ang Maynila, na noon ay nasa kamay na ng mga Amerikano.

Noong 10 Pebrero 1899, nakasagupa ng grupo ni Hizon ang mga Amerikano sa La Loma. Nakipaglaban sila hanggang maubusan ng bala, kung kaya't sila ay napilitang umatras. Si Hizon kasama ang may 50 kawal ay nagtungo sa Zambales. Doon tinipon niya ang kaniyang mga kawal at naglunsad nagsimulang lumusob sa iba't ibang kuta ng mga Amerikano hanggang 1900.

Nahuli si Heneral Hizon ng mga Amerikano, sa tulong ng isang impormanteng nagkalulo sa kaniya, bilang parusa, siya ay ipinatapon sa Guam hanggang siya ay mamatay dahil sa atake sa puso.

Sanggunian

Panlabas na kawing

  • Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Maximino Hizon

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.