Matapat na Pinoy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Isang may mabuting kaloobna na pulis ang nagsauli ng pera na nagkakahalaga ng humigi't kumulang sa labinlimang libong piso na kanyang nakita sa napulot na pitaka sa isang hindi nakikilalang tao. Ibinalik ni PO1 Jimmy Reginaldo ang natagpuang pitaka kay Jessie Pinguel, isang Overseas Filipino Worker. Binigyan ng Medalya bilang pagkilala sa kanyang katapatan si PO1 Reginaldo noong ika-16 ng Setyembre 2009 ng Direktor Heneral ng PNP na si Jesus Versoza. Maliban sa perang ibinigay ng maraming humanga sa katapatan ni Reginaldo, binigyan din ito ng limampung libong piso ng Lions Club bilang tulong para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral ng Abogasya sa Polytechnic University of the Philippines.

Mga nilalaman

[baguhin] Gantimpala

Papunta si Reginaldo sa Parañaque City Police Station nang makita niya ang pitaka sa loob ng taxi na kanyang sinakyan. Pumunta siya ng Cavite kung saan nakatira ang may-ari ng pitaka at personal na ibinalik ito kalakip ang sampung libong piso at limang daang dolyar.

Makakatulong sana kay Reginaldo ang natagpuang pera kung pinili niyang itago ito ngunit mas malaki ang naibalik sa kanya ng ginawa niyang kabutihan. Mula sa tulong gaya ng sako ng bigas at mga libro para sa pag-aaral ng mga anak, masayang masaya ang pakiramdam ni Reginaldo. Sa kabuuan ay umabot sa limampung libong piso ang halaga ng pera at iba pang tulong na ibinigay sa kanya na malabis na nagpataba ng kanyang puso.

[baguhin] Sinumpaang tungkulin

Ayon sa PNP, hindi mauubusan ang kapulisan ng mga miyembro na bibigyan ng papuri para sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Dalawa sa nauna nang binigyan ng pagkilala ay sina PO1 Danilo Malab, na tumayo bilang honor guard sa libing ni dating pangulong Corazon Aquino at si SPO3 Loreto Justo, na itinaya ang buhay sa pagliligtas sa mga pasaherong lulan ng SuperFerry 9 pandagat na lumubog noong panahon ng trahedya.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.