Masjid

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
King Faisal Mosque sa Marawi City (Picture from ([1]).

Ang Masjid ay isang salitang Arabe na nangangahulugang pook ng pagsamba at paninikluhod ng mga Muslim. Ito rin ang bahay dalanginan ng mga Muslim o ang “bahay na pinahintulutan ni Allah upang maitayo at maparangalan doon ang Kaniyang ngalan.”

Kinikilala ito bilang natatanging simbolo ng Islam at nagsisilbing isang institusyon kung saan ginaganap ang mga gawaing pampulitika, panlipunan at pangkultura. Ang masjid ay tinatawag din na mosque o moske.


Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan ng Masjid

Ang unang moske ay itinayo sa Mecca, sa lugar na pumapalibot sa Kaaba, ang pinakabanal na lugar ng mga Muslim. Ngunit ang modelo ng pinakaunang moske ay nagmula sa patio ng bahay ni Propetang Mohammed sa Medina, na itinayo noong 622 AD.

Ang mga moske noon ay simple lamang ang istruktura ngunit nang lumaon ay naging mas malaki at nadagdagan ang mga bahagi nito, kabilang ang minbar at mihrab. Ilang taon matapos ang kamatayan ni Mohammed, ang moske ay naging importanteng simbolo, na ang mga mananakop na Muslim ay nagpapatayo na ng mga moske sa mga lugar na nasasakupan nila.

[baguhin] Bahagi ng Masjid

Larawan ng Moske sa Loob (Picture from ([2]).
Minaret ng Golden Mosque sa Quiapo (Picture from ([3]).
  • Mihrab (niche) – Itinuturing itong pinakamahalagang bahagi ng masjid dahil nakaturo ito sa direksyon ng Mecca. Ito rin ang parte na pinakaginagayakan, kadalasan ay nilalagyan ng mga lampara na sumisimbolo sa banal na presensiya ni Allah sa lupa.
  • Minbar o pulpito – Nakapwesto ito sa tabi ng Mihrab. Ang minbar ay ginagamit para sa pagpapahayag ng khutba o sermon.
  • Qibah (dome) – Ito ang isa sa mga namumukod tanging katangian ng masjid sapagkat, nakatutulong ang dome o simboryo na mapalakas ang tunog sa loob nito.
  • Minaret – Dito inihahayag ang azan o pagtawag para sa panalangin. Muezzin ang taong tumatawag sa pagdarasal.


[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

  • 101 Filipino Icons. Quezon City: Adarna House Inc., 2007.
  • The Mosque (Masjid). (Hinango noong 21 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.