Mark Paragua

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Mark Paragua, na ang buong pangalan ay Mark Callano Paragua, ang kauna-unahang Filipino na nakapasok sa 100 Mahuhusay na Manlalaro ng ahedres sa buong mundo noong 2006, ayon sa rating na ipinalabas ng FIDE. Nakamit din niya ang titulong pinakabatang Filipino master sa edad siyam. Natamo niya ang titulong Internasyonal Master sa edad 14 at walong buwan. Noong Agosto 2005, pinalad si Paragua na makuha ang titulong pinakabatang grandmaster at pangunahing manlalaro ng Filipinas. Ngunit ang gayong rekord ay binasag ni Wesley So nang maging grandmaster ito sa edad 14.

Supling nina Ricardo Paragua at Flordeliza Alcano, si Paragua ay may kasalukuyang FIDE rating na 2514. Gayunman, unti-unti nang bumabangon siya mula sa pagbulusok ng mga laro.

Mga nilalaman

Mga Tagumpay

Tumabla sa unang puwesto si Paragua nang lumahok siya sa Disney World Rapid Chess Tournament for Kids noong 15–17 Nobyembre 1998 sa Euro Disney Theme Park sa Paris, France. Napili rin siyang lumahok sa FIDE World Chess Championship noong 2004 sa Tripoli, Libya. Nakapasok din siya sa World Chess noong 2005. Naging kauna-unahang super grandmaster si Paragua nang pumangalawa siya sa Asian Zonal 3.3 Chess Championship noong 2006.

Sanggunian

  • Hango mula sa Chess Player noong 20 Disyembre 2007.
  • Hango mula sa FIDE noong 20 Disyembre 2007.
  • Hango mula sa Paragua noong 20 Disyembre 2007.

Panlabas na kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.