Marcelino Crisologo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Marcelino Crisologo (11 Nobyembre 1844 – 5 hulyo 1927), na kilala rin sa tawag na “Mena”, ay naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Kongreso ng Malolos noong 1898. Siya ay kabilang sa mga lumagda sa Konstitusyon ng Malolos noong 1899, at naging unang gobernador Ilocos Sur noong 1901. Ipinadala siya sa St. Louis, Estados Unidos, bilang kinatawan ng Filipinas sa World Expositions. At nang matapos ang kaniyang termino bilang gobernador, ginugol na lamang niya ang kaniyang nalalabing oras sa pagpapalaganap ng sining at panitikan ng mga Ilokano. Ang kaniyang “komedya” at “sarsuwela” ay patuloy na nagpapasaya sa mga Ilokano hanggang ngayon, na maaaring mapanood tuwing may kapistahan.

[baguhin] Sanggunian

  • "Northern Luzon and CAR: Mena Crisologo." Unsung Heroes of the Philippines Revolution - MSC Communications Technologies, Inc. http://www.msc.edu.ph/centennial/hero/car/page2.html (hinango noong 4 Marso 2008).
  • National Historical Institute. Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Maynila: National Historical Institute, 1993.

[baguhin] Panlabas na kawing

  • Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang

Marcelino Crisologo

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.