Marcela Agoncillo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Marcela M. Agoncillo.
Marcela Mariño Agoncillo
Hunyo 24, 1860 – Mayo 30, 1946
M agoncillo.jpg
Ina ng Watawat ng Pilipinas
Ibang pangalan: Doña Marcela, Lola Celay
Kapanganakan: Hunyo 24, 1860
Taal, Batangas
Kamatayan: Mayo 30, 1946
Maynila
Asawa: Felipe Agoncillo
Magulang: Francisco Mariño at Eugenia Coronel
Watawat ng Pilipinas


Si Marcela Mariño Agoncillo (Hunyo 24, 1860 - Mayo 30, 1946) ay isa sa mga gumawa ng unang watawat ng Pilipinas. Ito ay ginawa sa Hong Kong, sa tulong ni Delfina Herbosa de Natividad, ang isang pamangking babae ni Jose Rizal. Si Marcela ay kinikilalang "Ina Watawat ng Pilipinas".

Siya ay kinasal kay Felipe Agoncillo, ang naging kinatawan sa negosasyon sa Paris, na humantong sa Treaty of Paris na nagtapos ng Digmaang Espanya-Amerika.

Mga nilalaman

[baguhin] Pagkabata at edukasyon

Si Marcela, na ipinanganak sa Taal, Batangas, ay anak nina Francisco Mariño at Eugenia Coronel. Ang kanyang mga magulang ay nakilalang mayaman at relihiyoso. Bilang isang bata, siya ay tinaguriang pinakamaganda sa Batangas. Siya ay tinawag na "Roselang Hubog", isang birhen na nakaluklok sa simbahan ng bayan. Ayon sa ilang mga kuwento, may mga taong naghihintay sa kanya sa patyo ng simbahan tuwing umaga kapag siya ay lumalabas kasama ang isang kasambahay o isang kamag-anak upang magsimba.

Kilala sa pagiging strikto, dinala siya ng kanyang mga magulang sa isang kumbento na kilala dahil sa mahihigpit na alituntunin. Sa Sta. Catalina College ng Dominican Nuns sa Intramuros, Maynila siya nagtapos ng kanyang elementarya at sekundaryong edukasyon. Sa kolehiyo, natuto siya ng Espanyol, musika, sining at mayuyuming asal. Siya rin ay isang magaling na mangaawit at lumitaw ang kagalingang ito sa ilang mga sarsuwela sa Batangas.

[baguhin] Pag-aasawa at pamilya

Si Marcela ay ikinasal sa isang hukom, Don Felipe Agoncillo, isang mayamang rebolusyonista at ang unang Filipinong diplomata, na mula rin sa isang kilalang pamilya sa Taal. Parehong nalalapit ang dalawa sa edad 30 nang sila ay ikinasal. Pagkatapos ng kasal, si Marcela ay lumipat mula Taal papuntang Maynila, kung saan sila tumira ng magkasama sa Malate. Nagkaroon sila ng anim na anak na babae: Lorenza, Gregoria, Eugenia, Marcela, Adela (namatay at 3), at Maria. Si Gregoria ang unang Filipina na nagtapos sa Oxford University. Karamihan sa kanyang mga anak ay pinili ang pagtuturo at walang isa sa kanila ang ikinasal. Marcela ang nag-alaga sa lahat ng kanyang anak hanggang sa sila ay lumaki.

Tuwing Huwebes, ang pamilya ay nagkakawang-gawa, kung kailan may mga mahihirap ang nagtitipon sa kanilang garahe upang humingi ng limos. Ang pamilya ay nagbibigay ng isang supot ng bigas at pera, at walang isa sa mga pumunta na umuuwing walang dala.

[baguhin] Pagpapatapon sa Hong Kong

Nang napagalaman ni Don Felipe ang plano ng gobernador-heneral na ipatapon siya sa ibang bansa, siya pumunta sa Yokohama, Japan, at sumunod ay sa Hong Kong kung saan siya sumapi sa iba pang mga Filipinong ipinatapon doon. Pagkatapos ng dalawamput-dalawang buwan, si Marcela at ang kanyang mga anak ay sumunod sa Hong Kong. Ang kanilang nirentahang bahay sa Hong Kong ay naging isang santuwaryo para sa iba pang mga Filipinong rebolusyonaryo. Ang mga pulong ay isinasagawa sa kanilang lugar, lalo na sa panahon ng mga kritikal na buwan ng Marso at Abril 1898. Ang ilan sa mga kasama nila ay sina General Antonio Luna at General Emilio Aguinaldo. Si Josephine Bracken, kasintahan ni Jose Rizal, ay nagpunta rin sa bahay ng mga Agoncillo upang magtago pagkatapos takutin ng mga awtoridad ng Espanya.

[baguhin] Paggawa ng watawat ng Pilipinas

Ang Paggawa ng Watawat ng Pilipinas

Pagkatapos ng kanilang boluntaryong pagalis sa Pilipinas, bumisita si General Emilio Aguinaldo sa bahay ng mga Agoncillo sa Hong Kong matapos pumirma ng kasunduan ng Biak-na-Bato noong Disyembre 14, 1897. Hiniling ni Aguinaldo kay Marcela na tumahi ng isang bandila ayon sa kanyang disenyo. Para kay Aguinaldo, ang disenyong ito ay kakatawan sa mithiin ng lahat ng mga Pilipino. Agad-agad na tinatawag ni Marcela ang kanyang panganay na anak na si Lorenza, at ang pamangking babae ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad, upang makatulong sa kanya.

Ang watawat ay ginawa mula sa pinong sutla na binili ni Marcela sa Hong Kong. Ito ay naka-burda sa kulay ginto, may asul at pulang parihaba, at puting tatsulok na may araw at tatlong bituin. Ito ay naging kilala bilang "ang watawat ng araw at ang mga bituin". Ito ay natapos sa loob ng limang araw, sa pamamagitan ng isang mahirap na proseso. Sina Marcela, Lorenza at Delfina ay nagtrabaho nang mano-mano sa tulong ng isang makina. Kinailangang ulitin muli ang watawat kapag ang guhit ng sinag ng araw ay hindi nailalagay sa tamang direksyon. Ang kanilang mga mata at mga kamay ay nahirapan dahil sa mahabang trabaho.

Ang watawat ay personal na inihatid ni Marcela kay Aguinaldo, na siya namang dinala niya sa pagbalik sa Maynila. Ito ay iwinagayway mula sa bintana ng bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite sa panahon ng pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Hindi nasaksihan ni Marcela ang unang pagpapakita sa publiko ng bandila dahil siya'y kailangang manatili sa kanyang asawa, na noon ay nasa Hong Kong pa rin.

[baguhin] Kamatayan

Ang mga pamilyang Agoncillo ay bumalik sa Maynila matapos dumating ni Don Felipe mula sa kanyang mga diplomatikong gawain sa ibang bansa. Ito ay matapos rin ng pagkabigo ng Unang Republika ng Pilipinas at ang pagtatatag ng rehimeng Amerika. Ang pamilya ay nanatili sa kanilang bahay sa Malate. Nang mamatay si Don Felipe, si Marcela at ang kanyang anak ay nagdusa sa gutom dahil hindi sapat ng suplay ng pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan. Ang kanilang sitwasyon ay lalong naging mahirap sa panahon ng pananakop ng mga Hapon. Lumipat sila sa Taal nang masunog ang bahay nila sa Maynila. Matapos ang Digmaan ng Maynila noong 1945, ang kalusugan ni Marcela ay patuloy na lumala. Siya ay patuloy pa ring nagluksa sa namatay na asawa, dahilan upang itago ng kaniyang mga anak ang mga bagay na nagpapaalala sa kanilang ama. Noong May 30, 1946, siya ay namatay sa edad na 86. Ang kanyang mga labi ay dinala mula Taal hanggang Maynila at inilagay sa tabi ng kanyang asawa sa Catholic Cemetery ng La Loma.

[baguhin] Pagala-ala

Ilang bagay ang ginawa upang alalahanin ang kontribusyon ni Marcela sa kasaysayan ng Pilipinas:

  • Museo at Monumento ni Marcela Mariño Agoncillo (Taal, Batangas) - Isang tanda na itinayo ng National Historical Institute at ang bahay ng mga Agoncillo na ginawang museo na nagpapakita ng mga pagsasalarawan habang tinatahi ang unang watawat.
  • Historical marker sa Morrison Hill Park (Hong Kong) - Isang tanda na nilikha ng Hong Kong Antiquities Council para alalahanin ang lugar kung saan ang unang watawat ng Pilipinas ay tinahi.
  • Tatlong Babaeng Naghahabi ng mga Bandilang Pilipino (UP Diliman) - Isang kongkreto at marmol na iskultura na nilikha ng Pambansang Alagad ng Sining na si Napoleon Abueva, na naglalarawan kay Marcela at ang dalawang mga kababaihan na tumulong sa kanya.
  • Ang Paggawa ng Watawat ng Pilipinas - isang larawang ipininta ng pintor na si Fernando Amorsolo.


[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.