Mapang etnolinggwistiko

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ipinapakita ng mapang etnolinggwistiko ang kinalalagyan ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko na matatagpuan sa isang partikular na lugar. Ang klase ng mapang ito ay nabibilang sa tinatawag na mapang tematiko kung saan tiyak ang inihahatid na impormasyon. Kaiba ito sa tinatawag na general reference map kung saan mas malawak ang inihahatid na impormasyon tungkol sa isang lugar. Sa pamamagitan ng mapang etnolinggwistiko ay makikita ang distribusyon ng mga tao sa isang lugar batay sa taglay nitong wika at kultura.

800px|thumb|none|Mapa ng grupong etnolinggwistiko sa Pilipinas


[baguhin] Sanggunian

  • Armstrong, David and Francis Hunkins. World Geography: People and Places. Ohio: Merrill Publishing Co., 1989.
  • Mateo, Grace Estela, Celestina Boncan, Mary Dorothy Jose, Jerome Ong, and John Ponsaran. Kabihasnang Pilipino: Kasaysayan at Pamahalaan (Updated Edition). Quezon City: Vibal Publishing House Inc., 2010.


[baguhin] Panlabas na kawing