Manuel L. Quezon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Manuel L. Quezon
QuezonUS.jpg
Ika-2 Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Komonwelt
Panahon ng Panunungkulan
Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944
Bise Presidente  Sergio Osmeña
Predecessor Emilio Aguinaldo (position restored. 1935)
Successor Sergio Osmena
Kapanganakan Agosto 19, 1878
Baler, Aurora
Kamatayan Agosto 1, 1944
Saranac Lake, New York, Estados Unidos
Partidong politikal Coalición Nacionalista (1935-1938); Nacionalista Party 1938-1944
Asawa Aurora Aragon
Propesyon Abogado
Relihiyon Katoliko

Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.


Mga nilalaman

[baguhin] Pagka-Pangulo

Si Quezon ay tumakbo sa unang halalan sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 1935 at nanalo siya laban kina Emilio Aguinaldo (dating Pangulo ng Rebolusyunaryong Republica Filipina, pinagsilbihan niya dati bilang aide-de-camp o kanang kamay), at Gregorio Aglipay.

Nakahilig na panitik'

[baguhin] Makapal na panitik


--114.108.216.164 08:21, 12 Nobyembre 2015 (UTC)[[Midya:Isingit ang hindi nakapormat na teksto dito]][[Talaksan: == Halimbawa.jpg == [http://www.example.com na kawing ng pamagat]]]

Sa kanyang unang termino bilang Pangulo, nakipagtulungan si Quezon kay High Commissioner Paul V. McNutt ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpasok sa Pilipinas ng mga Hudyong tumatakas sa mga rehimeng pasista sa Europa.[1] Isinulong din ni Quezon ang isang proyekto upang makapanirahan sa Mindanao ang mga takas na Hudyo.

Mula 1901 hanggang 1935, bagamat isang Pilipino ang palaging nahihirang bilang Punong Mahistrado, mga Amerikano ang karamihan sa mga miyembro ng Mataas na Hukuman (Supreme Court). Nakamtan lamang ang ganap na Pilipinisasyon ng Hukuman nang itatag ang Commonwealth ng Pilipinas noong 1935, nang si Quezon, bilang Presidente, ay mabigyan ng kapangyarihan upang maghirang ng kauna-unahang Mataas na Hukuman na ang lahat ng miyembro ay Pilipino. Kabilang sa mga unang itinalaga ni Quezon upang pumalit sa mga Amerikanong mahistrado sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel. Dinagdagan ang bilang ng miyembro ng Hukuman (ginawang labing-isa): isang Punong Mahistrado at sampung Katulong na Mahistrado, na umupo nang en banc(magkakasama ang lahat sa paggawa ng desisyon) o di kaya sa dalawang Sangay na may tiglilimang miyembro.

Noong 1935, ang dating Chief of Staff ng Estados Unidos na si Heneral Douglas MacArthur, na matagal nang kakilala ni Quezon, ay bumalik sa Pilipinas bilang tagapayo ng Commonwealth tungkol sa sandatahan. Naatasan si MacArthur upang bumalangkas ng isang national defense plan at upang itatag at sanayin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang magretiro si MacArthur sa Sandatahan ng Estados Unidos noong 1937, kaagad na inalok siya ni Quezon ng isang posisyon bilang Field Marshal.

Noong 1936, inilabas ni Quezon ang E.O. No. 23, na naglalaman ng teknikal na paglalarawan at detalyadong espisipikasyon ng watawat ng Pilipinas.

Pagdating ng Enero 1937, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan.

Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Higit na makatutulong ang panlipunang katarungan kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.” Noong 1937, nilagdaan ni Quezon ang kauna-unahang batas para sa minimum wage sa Pilipinas. Noong taon ding iyon, unang bumoto ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito tungkol sa karapatan ng mga babaeng bumoto o ang tinatawag na women’s suffrage.

Noong ika-12 ng Oktubre, 1939 naman, nilagdaan ni Quezon ang Batas Commonwealth 502, na lumikha ng isang lungsod sa Diliman, na nasa dakong labas ng Maynila. Ang lungsod na kanyang itinatag at pinagyaman upang maging kabisera ng bansa, ay ipinangalan sa kanya kinalaunan – ang Lungsod ng Quezon.

Pinahaba ang orihinal na termino ni Quezon na anim na taon bilang Pangulo sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Saligang Batas, kung kaya’t nagsilbi pa siya ng karagdagang dalawang taon bago siya nahalal muli bilang Pangulo noong Nobyembre 1941.

[baguhin] Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Pamahalaang Desterado

Noong ika-8 ng Disyembre, 1941, bago pa lamang naihalal si Quezon sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo nang inatake ng bansang Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Sumunod ang pag-atake sa iba’t ibang base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nang salakayin ng mga Hapones ang Pilipinas, lumikas si Quezon sa Corregidor, kung saan siya muling nanumpa bilang Pangulo noong ika-30 ng Disyembre, 1941, sa harap ng Malinta Tunnel. Nang sumunod na buwan, napilitan si Quezon na lumikas ng Corregidor papuntang Visayas lulan ng isang submarino, at mula doon ay sa papuntang Mindanao. Alinsunod sa imbitasyon ng gobyerno ng Estados Unidos, inilikas siya papuntang Australia at kalaunan sa Estados Unidos, kung saan niya itinayo ang pamahalaang desterado (government in exile) ng Commonwealth ng Pilipinas, na ang punong-tanggapan ay nasa Washington, D.C. Doon, naglingkod siya bilang miyembro ng Pacific War Council at isinulat niya ang sariling talambuhay, ang “The Good Fight” o “Ang Mabuting Pakikipaglaban”, na inilathala noong 1946.

Ika-14 ng Hunyo 1942, sa White House sa Washington D.C., nang lagdaan ni Quezon ang United Nations Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang watawat ng Pilipinas ay itinaas kasama ang watawat ng ibang bansa, at bagamat isa lamang Commonwealth, kinilala na ng ibang bansa sa pag-asang makakamtan din nito ang ganap na kasarinlan.

[baguhin] Kamatayan

Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Una siyang inilibing sa Maine Memorial sa Arlington National Cemetery sa Washington D.C., pagkatapos ay hinukay muli ang kanyang mga labi at isinakay sa USS Princeton[2], at muling inilibing sa Manila North Cemetery noong ika-1 ng Agosto 1946. Kalaunan, inilipat ito sa Manuel Quezon Memorial Shrine, sa loob ng bantayog sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod Quezon, noong ika-19 ng Agosto 1979, araw na sana’y kanyang naging ika-102 kaarawan.

Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.)

[baguhin] Linggo at Buwan ng Wika

Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyon nito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.

Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.

Ika-28 ng Abril 2005 nang iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga labi ng dating Unang Ginang Aurora Aragon Quezon, na tinambangan at pinatay sa daan patungong Bongabon sa Nueva Ecija noong ika-28 ng Abril 1949, ay hukayin sa dati nitong pinaglibingan at ilibing muli sa Quezon Memorial katabi ng mga labi ng kanyang asawang si Pangulong Manuel L. Quezon.

[baguhin] Sanggunian

  1. Escape to Manila by Frank Ephraim. Book about Jewish refugees finding sanctuary in the Philippines.
  2. U.S. Navy - A Brief History of Aircraft Carriers. History of USS Princeton.

[baguhin] Panlabas na Kawing



[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.