Manny Villar

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Manny Villar
Mannyvillar.gif
Kasalukuyang Nanunungkulan
Senador
Panahon ng Panunungkulan
2001 - kasalukuyan
Kapanganakan Disyembre 13, 1949
Marikina
Magulang Curita Bamba
Manuel Montalban Villar, Sr.

Si Manuel Bamba Villar ay isang nagosyante, pulitiko, at ikalima sa listahan ng mga pinakamayamang Pilipino ng Forbes Asia noong Oktubre 2007. Siya ang pangulo ng Partidong Nacionalista at miyembro ng senado.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Si Villar ay ang ikalawa sa siyam na anak nina Curita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Montalban Villar Sr., isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila, nagsimula siyang magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing-dagat (seafood) sa Divisoria. Sa kanyang pagsusumikap ay siya na rin ang nagpaaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng hayskul sa Mapua Institute of Technology noong 1966. Hanggang sa kolehiyo, nagpatuloy siya sa pagtitinda ng mga pagkaing-dagat. Matapos ang ilang taon ay nakatapos din siya ng undergraduate at master's degree sa Business Administration and Accountancy sa Unibersidad ng Pilipinas.

[baguhin] Pagnenegosyo

Nang siya'y nakatapos ng pag-aaral, nagtrabaho siya sa prestihiyosong Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV & Co.), ngunit nagbitiw din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Naging financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nagpasyang umalis din agad sa tungkulin upang magsimula ng panibagong negosyo. Gamit ang sampung libong piso na kaniyang hiniram, bumili siya ng dalawang gamit na truck at sinimulan ang kanyang bagong negosyo sa konstruksyon noong 1975. Sa kanyang negosyo sa konstruksyon, napag-isipan niyang magtayo ng isa pang negosyo: ang magkasabay na pagbebenta ng bahay at lupa. Noong 1977, nakapag-ipon na siya ng una niyang milyong piso pagkatapos niyang mamuhunan sa 160-yunit na pabahay. Kumita ang ideyang ito at nanguna si Villar sa larangan ng real estate. Nakapagtayo siya ng mahigit sa 100,000 na bahay at naitampok siya sa mga pahayagan tulad ng Far Eastern Economic Review, Asiaweek, Forbes, MoneyAsia, at Asian Business Review. Noong Hulyo 1998, isiniwalat ng Philippine Daily Inquirer ang mga dokumentong nagsasaad na ang mga lupain ni Villar (mga 5900 ektarya) na dapat ay ginagamit para sa agrikultura ay ginawang pamahayan na walang pahintulot mula sa Department of Agrarian Reform.

[baguhin] Pamilya

Kasal si Villar kay Cynthia A. Villar (na representante ng distrito ng at Las Pinas) at may tatlo silang anak: sina Paolo, Mark, at Camille.


[baguhin] Buhay-pulitiko

Pumasok si Villar sa pulitika noong 1992 at nagsilbi ng tatlong sunud-sunod na termino bilang representante ng Las Piñas at Muntinlupa. Nagamit niya ang kanyang karanasan at kaalaman sa ekonomiya at pamamahala (management) nang ilagay siya sa economic team ng Kongreso. Noong 17 Agosto 1998, inilathala ni Senador Joker Arroyo na sumuway daw si Villar sa Artikulo XI, Sec. 16 ng Konstitusyon, RA6719 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials), and RA3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act). Naging pinuno siya ng senado noong eleksyon ng May 21, 2001 at nahalal na Senate President Pro Tempore. Pagdating ng Hulyo 2006, nahalal siyang pangulo ng senado. Siya ang unang opisyal ng gobyerno na parehong naging Speaker of the House of Representatives at Senate President, Tumakbo siyang muli noong May 2007 at nagwagi kasama sa United Opposition kung saan nangunguna sina Loren Legarda, Francis Escudero, at Panfilo Lacson. Noong 17 Nobyembre 2008, napilitang magbitiw si Villar sa tungkulin bilang pangulo ng senado. Ayon kay Senador Lacson, ang pagkakatanggal ni Villar ay dahil sa kontrobersyang umiikot hinggil sa C-5 daanan na diumano'y nagkapagbigay ng 400 milyong piso sa kumpanya ni Villar. Tatakbo si Villar sa pagkapangulo sa 2010. Isinumite niya ang kanyang certificate of candidacy (COC) noong 30 Nobyembre 2009. Nagsiwalat din si Franklin Drilon ng mga posibleng mga katiwalian sa mga transaksyon ni Villar. Bukod doon, pinaghihinalaan din si Villar ng katiwalian sa San Pedro, Laguna.


[baguhin] Mga parangal at pagkilalang natanggap

Dahil sa kanyang mga nagawa bilang isang matagumpay na negosyante at pulitiko, tumanggap siya ng iba't ibang parangal at pagkilala mula sa iba't ibang organisasyon:

  • Pangulo, Partido Nacionalista.
  • Itinampok sa Far Eastern Economic Review dahil sa kanyang tagumpay bilang isang negosyante. Kaugnay nito ay naitampok rin ang kanyang talambuhay sa mga sikat na magasin tulad ng Asiaweek, Forbes, AsiaMoney at Asian Business Review.
  • Philippine Jaycess Ten Outstanding Young Men Award, 1986
  • Agora Award for Outstanding Achievement in Marketing Management, 1989
  • Philippine Institute of Certified Public Accountants Most Outstanding CPA, 1990
  • Most Outstanding UP Alumnus, 1991
  • Honoris Causa sa iba't ibang kolehiyo:
    • Doctor of Science, Adamson University
    • Doctor of Humanities, Bataan Polytechnic State College
    • Doctor of Humanities, Bulacan State University
    • Doctor of Humanities, Cagayan State University
    • Doctor of Humanities, Central Luzon State University
    • Doctor of Humanities, Foundation University (Dumaguete)
    • Doctor of Humanities and Entrepreneurship, Laguna State Polytechnic College
    • Doctor of Development Management, Pangasinan State University
    • Doctor of Business Administration, Nueva Ecija University of Science and Technology
    • Doctor of Entrepreneurial Management, Ramon Magsaysay Technological University
    • Doctor of Humanities, Romblon State College
    • Doctor of Public Administration, Tarlac State University
    • Doctor of Humanities, Wesleyan University-Philippines
    • Doctor of Technology in Entrepreneurial Management, Western Visayas College of Science and Technology

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.