Malnutrisyon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha nang sapat na sustansiyang kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang malusog.

Sinasabing ang isang tao na napakahina kumain o maliit lamang na porsiyento kung kumain ay matatawag na malnourished. Ngunit ang isang tao na malabis namang kumain ay matatawag ding malnourished kahit na kumakain siya ng tamang pagkain.

Ang malabis na pagkain ay siyang nagiging sanhi nang pagdadagdag ng sobrang kaloriya. Subalit ang kaloriyang ito ay kinakailangan naman para sa normal na takbo ng buhay sa araw-araw upang masustinihan ang tamang paglaki at takbo ng sistema ng katawan, Sinasabing ang sobrang kaloriya ay naiimbak bilang fats .

Sa gayon, ang ang isang taong sobra ang kaloriya sa katawan ay nadaragdagan ang timbang, ang kanyang mga kilos ay tumatagal at bumabagal, ang metabolismo ng kanyang katawan ay higit na apektado, at siya mismo sa kanyang sarili ay mahihirapang gumawa ng mga bagay na gaya nang simpleng pag-eehersisyo.

Ang isang taong napakataba, hababg nadaragdagan ang kanyang edad ay nahaharap din sa malaking panganib dahil sa posibilidad na maaari siyang magkaroon ng mga pagkakasakit na gaya ng mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, diabetes o hindi maginhawang paghinga.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Palatantaan ng Malnutrisyon

Paano ninyo malalaman kung ang inyong anak o sinuman na inyong kasambahay ay isang malnourished? Tingnan kung alinman sa mga sumusunod ang kanyang manipestasyon:

  • Nagbabawas siya ng timbang.
  • Mahirap siyang kumain, at malimit walang gana.
  • Mukha siyang palaging pagod at nanghihina.
  • Hindi siya mapagkatulog o hindi siya masarap na matulog.
  • Siya ay namumutla
  • May pagsusugat na nakikita sa mga gilid ng labi.
  • Malabo ang kaniyang paningin, lalo sa mga lugar na medyo madilim.

[baguhin] Mga Anyo ng Malalang Malnutrisyon

  • Marasmus. Ito ay sanhi ng kakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o dami ng kinakain. Sinasabing ang marasmus ay karaniwan nang nararasanan ng mga batang nasa mga mahihirap at under-developed na mga bansa. Ang pasyente ng marasmus ay nagiging buto at balat. Nagiging kamukha siya ng isang matandang tao na mayroong natutuyo at nangungulubot na mukha. Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang pasyente upang mabigyan ng sapat na diyagnosis at tulong-medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng cereals, kamote, patatas, karne, isda, gatas, peas, beans, asukal, at maberde at madilaw na gulay.
  • Kwashiorkor. Ang pinagmumulan nito ay ang malabis na kakulangan sa protina. Tinatayang maaaring makita ang mga palatandaan ng kwashiorkor kahit na ang isang bata ay nakakukuha naman ng sapat na kaloriya mula sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Ang mga sintomas nito ay ang pamamaga ng mukha, mga braso at binti, nangungulubot na balat na mayroong taba, buhok na nagiging manipis, nababansot, at mahinang resistensiya laban sa impeksyon. Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang mabigyan ng nararapat na atensyong medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkaing mayaman sa protina na gaya ng gatas, isda, karne, manok, itlog, stringbeans, at mongo beans.
  • Xerophthalmia. Ang pinagmumulan nito ay ang kakulangan sa Bitamina A at tinatayang maaaring pagmulan ng pagiging bulag Kapag may nakitang ganitong palatandaan sa pasyente ay kinakailangang dalhin agad ito sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng atensyong medikal. Ipinapayo din ang pagbibigay sa pasyente ng maberde at madahong gulay na gaya ng kangkong, alugbati, ampalaya, yam at dahon ng malunggay at madidilaw na gulay gaya ng kalabasa, carrots, at atay, pula ng itlog at gatas.

[baguhin] Iba pang Anyo ng Malnultrisyon

  • Anemia. Ang sanhi nito ay ang kakulangan sa iron. Ang mga palatandaan ng anemia ay pamumutla, malabis na pagkahapo o pagkapagod, at panghihina ng katawan, Kinakailangan ang kumunsulta sa health worker at bigyan ang pasyente ng atay, itlog, mabeberde at madidilaw na gulay.
  • Goiter. Ito ay sanhi ng kakulangan sa iodine. Ang palatandaan ay ang paglaki ng thyroid gland sa may leeg. Ito ang gland na kumokontrol sa metabolismo ng katawan, pagbubuo ng utak at iba pang organs at bahagi ng katawan. Matapos humingi ng tulong-medikal, bigyan ang pasyente ng mga pagkaing gaya ng seafoods, isda, shell meat, at seaweeds.

Samahan ng iodized salt ang pagkain ng pasyente. Mapino ang asin na ito na may kasamang iodine.

[baguhin] Sanggunian

  • The Family Health Guide, Ikalawang edisyon. Maynila: The Department of Health, Commission on Population and Population Center Foundation, 1987.


Paunawa sa Babasa
Bagaman malayang sundin ng mambabasa ang nilalaman nito alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon, ipinapayo ng WikiFilipino na kumonsulta pa rin sa doktor o espesyalista. Hindi mananagot ang WikiFilipino sa anumang mangyayari sa mambabasa kapag sinunod ang mga payong pangkalusugan ng akdang ito.


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.