Maganda pa ang Daigdig

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig (1955) ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasin ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino. Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao.

Sanggunian

  • Francisco, Lazaro. Maganda pa ang Daigdig, na nalathala noong 1955 at muling inilimbag ng Ateneo de Manila University Press.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.