Magagandang Pook sa Luzon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
  • Sa Baguio- tinatawag din itong Summer Capital of the Philippines, Lungsod ng mga Pino o City of Pines. Maliban sa malamig na klima, kinawiwilihan din dito ng mga turista ang pagbili ng strawberry, mga habing damit na dekorasyonat inukit na mga bagay. Narito rin ang mga pasyalan tulad ng Burnham Park,Baguio Cathedral, ang Wright Park at ang mga kaakit-akit na tanawin sa Mines View Park. Maaari din magtungo sa Phillipine Military Academy at Camp John Hay na dating mga estasyon ng mga Amerikano.
  • Sa Banaue at Sagada- Matatagpuan sa Hilagang Luzon ang bantog na Banaue Rice Teracces na sinasabi na ika-8 kahanga-hangang pook sa Buong Daigdig. May 2,000 taon na ang nakalilipas nang inuka ng mga ninunong Ifugao ang mga taniman sa tagiliran ng bundok. Halos walong oras ang paglalakbay mula Baguio hanggang Banaue. Apat o limang oras naman ang layo ng Sagada mula sa Banaue. Isang natatanging maliit na bayan ito sa gitna ng bulubundukin ng Cordillera. Kilala ang Sagada ssa pagsabit ng kabaong sa pader ng mga bundok na siyang ginagawang libingan.
  • Sa Pangasinan- Ang Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan na binubuo ng maliliit na mga isla, ang isa pang tanawin na kinagigiliwann natin at ng mga turista.
  • Sa Nueva Vizcaya- Maganda ang tinatawag na Salinas Salt Spring dito sa Nueva Vizcaya. Matatagpuan ito sa itaas ng burol sa Salinas, Bambery. Hinahangaan ang pook na ito sa bumubukol sa tuktok ng burol at maalat na tubig kahit malayo ang lugar nito sa dagat. Isa pang dapat pasyalan sa lalawigan na ito ay ang Talon ng Udaiawan sa Solano at Talong ng Naruron.
  • Sa Palawan
    • St. Paul Subterranean River National Park - isang kilometrong underground na ilog
    • Reef Marine Park - magandang lugar kung nais sumisid
    • Kweba ng Tabon - kinilalang duyan ng sibilisasyon o cradle of civilization. Mayroong mga bungo at kalansay ng mga taong Tabon rito.
    • Amampulo Resort at Nido Resort - ito ang mga beaches na may mga mapuputing buhangin

[baguhin] Sanggunian=

  • Antonio, Eleanor R., Emilia A. Banlaygas, Roel G. Lodronio at Evangeline M. Dallo. Pilipinas Bayang Minahal: Batayan at Sanayang Aklat sa HEKASI.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.