Madaling Araw (Nobela)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Madaling Araw ay isang nobelang Tagalog na isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong siya'y 18 taong gulang. Ito ay masalimuot at malawak na nobelang tinatalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang panlipunan at pampulitikang usapin. Ang nobela ay may tekstura ng mga naunang akda, gaya ng sinulat nina Roman Reyes at Valeriano Hernandez-Peña, na gumamit ng matitingkad na imahen ng pamumuhay ng maraming bayan sa rehiyong Tagalog. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas.


Mga nilalaman

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing


[baguhin] Pagkilala

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.