Macario Adriatico

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Madriatico.jpg

Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Macario Adriatico)

Si Macario G. Adriatico (10 Marso 1869 – 14 Abril 1919) ay isinilang sa Calapan, Oriental Mindoro. Manananggol, manunulat, paham, at rebolusyonaryo, siya ay naging unang Filipinong direktor ng Philippine Library and Museum. Noong 1964, ipinangalan sa kaniya ng Konseho ng Maynila ang isang kalye bilang pagkilala sa kaniyang mga naging kontribution sa Lungsod Maynila.

Mga nilalaman

Buhay

Rebolusyonaryo

Noong panahon ng rebolusyon sa Filipinas, siya ay sumapi sa mga taga-Batangas na tumalo sa huling hukbo ng mga Kastila sa Calapan, at tumulong din sa pagpapalaya ng Romblon. Siya ay naging Kommandante de Estado Mayor ng Hukbong Katihan ng Filipinas.

Manunulat

Si Macario ay naging manunulat pagkatapos ng himagsikan, naging patnugot ng Ang Partido Konservador, Diaryo de Filipinos. Siya rin ang nagtatag ng isang lihim na samahang “Akademya sa pag-aaral ng wika at literaturang Espanol.”

Mambabatas

Bilang isang mambabatas, siya ay naging kinatawan ng Mindoro sa Asamblea ng Filipinas noong 1907. Siya rin ang may-akda ng kauna-unahang konstitution ng Maynila, at isa sa nagpanukala ng gawing dalawang distrito ang Maynila.

Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.