Lydia de Vega

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Lydia de Vega, na kilala ngayon bilang Lydia de Vega-Mercado, ang itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa paligsahan sa Asya noong dekada 1980. Dalawang ulit siyang nakapag-uwi ng medalyang ginto sa Asian Games sa takbuhang may layong 100 metro, ang isa noong 1982 Asiad, at ang ikalawa ay noong 1986. Noong Asiad Games sa Seoul, South Korea, nagwagi ng medalyang pilak si Lydia sa takbuhang may layong 200 metro. Dalawang medalyang ginto ang nakamit niya sa Southeast Asian Games na ginanap sa Maynila noong 1981. Siya ang kauna-unahang babaeng lumahok at tumakbo sa lárang ng atletika noong Olimpiyada. Noong 1983, ipinakita ni Lydia ang kaniyang husay sa pagtakbo nang muling makamit niya ang medalyang ginto sa SEA Games na ginanap sa Singapore noong 1993.

Kayumanggi, matangkad, malantik ang balakang, mahahaba ang binti, at may ngiting makaaakit sa sinumang lalaki ang mga katangian ni Lydia na nagpatingkad sa kaniyang karera. Higit pa rito, laging bukambibig niya ang pagwawagi para sa bayan, at para sa ikalulugod ng kaniyang mga kababayan.

Nahalal siyang konsehal sa Meycauayan, Bulakan, at patuloy na nagbabahagi magpahangga ngayon ng kaniyang kaalaman hinggil sa karera ng pagtakbo.

Mga Ugat

Isinilang si Lydia sa Maynila ngunit lumaki sa Meycauayan, Bulakan, Filipinas. Ikinasal siya kay Pablo V. Mercado na nagbigay sa kaniya ng tatlong anak. Ngunit namatay sa aksidente ang kanilang bunso nang mabangga ng dyip noong Pebrero 2006. Naninirahan ngayon ang mag-anak sa Project 4, Lungsod Quezon.

Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.