Lungsod Cebu

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Rehiyon ng Gitnang Visayas (Rehiyon VII) | }} {{#if: Cebu | }} {{#if: | }} {{#if: Tomas Osmeña | }} {{#if: | }} {{#if: 80 | }} {{#if: http://www.cebucity.gov.ph/ | }} {{#if:291.2| }} {{#if:718,821| }} {{#if:2565.4| }} {{#if:| }}
Lungsod Cebu {{ #if: |
{{{sealfile}}}

}}

Lokasyon
250px{{#if:}}
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Gitnang Visayas (Rehiyon VII)
Lalawigan Cebu
Distrito
Alkalde Tomas Osmeña
Pagkakatatag
Barangay 80
Website http://www.cebucity.gov.ph/
Pisikal na Katangian
Saklaw 291.2 km²
Populasyon
Kabuuan (2000) 718,821
Densidad 2565.4/km²
Mga coordinate {{{coordinates}}}


Matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas ang lalawigan ng Cebu. Lungsod Cebu ang kabesera nito. Ang Cebu ay isang mahaba at makitid na pulo na may haba na 225 kilometro (140 milya) mulang hilaga hanggang timog at pinalilibutan ng 167 pulo kasama na ang Mactan, Bantayan, at Olango.

Kasaysayan

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa kapuluan, ang mga katutubo ng Cebu ay nakikipagkalakalan na sa malalayong bansa, gaya ng China, Thailand, Brunei, Malaysia, at iba pang bansang karatig nito.

Cebu ang pinakamatandang pook na naging himpilan ng mga Espanyol, at ang lungsod ay isinunod sa pangalan ng patrong "pinakabanal na pangalan ni Hesus."

Pinansin ng mga Espanyol na ang mga katutubo (na tinawag nila sa mapang-aglahing taguring "Indio") ay nagtataglay na umano ng sariling alpabeto at marunong sumulat at bumasa, bago pa nila nasakop. Gayunman, mamaliitin ng mga dayo ang gayon at sasabihing wala umanong natatalang literatura ang mga katutubo. Isinaad ni Fray Francisco de San Antonio na nagtungo sa Filipinas noong 1724, na wala ni isang pirasong akda na hinggil sa relihiyon, seremonyas, o sinaunang institusyong pampolitika sa kapuluan. Samantalang sinabi ng isang Heswitang paring nanirahan sa kapuluan nang 18 taon na bago pa matutong sumulat ang Indio mulang kaliwa pakanan, imbes na mulang taas pababa, ay ginagamit lamang umano ang pagsusulat sa pakikipagtalastasan. Sa kabila ng gayong panlilibak, ang mga Espanyol rin ang nagpasunog ng mga sinulat ng katutubo sa sariling wika upang matupad ang kanilang misyong manakop; at naburyong marahil nang makakita ng mga pambihirang paleograpiya sa iba-ibang pook. Nakaligtaan din ng mga banyaga ang mahabang tradisyong pabigkas ng mga katutubo, gaya ng matatagpuan sa mga epikong bayan, tula, awit, at iba pa.

Dumaong sa Cebu noong 1521 si Fernando Magallanes, kasama ang limang galeon at 200 tauhan, na pawang gutom na gutom. Makaraang makumbinsi umano nila ang ilang katutubo na maging Kristiyano, lumasap naman si Magallanes ng kabiguan sa pangkat ni Lapu-lapu na ayaw magpasakop sa mga banyaga. Namatay ang Portuges na eksplorador, at ang kaniyang mga galeon ay mabilis na naglayag palayo sa labis na takot. Lilipas muna ang 44 taon bago magbalik ang mga banyaga na higit na mabalasik, at nasa anyo ng gaya ni Miguel Lopez de Legaspi.

Ang mapanlibak na pananaw laban sa mga katutubo ng Cebu ay aabot sa sukdulan nang pasukin ng mga kawal at marinong Kastila ang mga libingan ng mga katutubo at kulimbatin ang lahat ng ginto, alahas, at iba pang mahahalagang bagay na isinama sa mga bangkay. Dahil dito, inihayag ni Legazpi noong 16 Mayo 1565 ang isang kautusan na lahat ng Kastilang nagbukas ng mga libingan at nangulimbat sa mga labi at bangkay ay dapat ipabatid iyon sa mga opisyal ng Hari at bigyan ito ng karampatang butaw para sa kabutihan nito; at sinumang sumuway ay tatanggalan ng lahat ng ginto at mahahalagang bagay, alinsunod sa batas.

Nag-aklas ang mga anakpawis, gaya ni Leon Kilat, laban sa mga Kastila, bago pa man sumigaw ng himagsikan ang Katipunan. Gayunman, madali iyong nagapi dahil sa kakulangan ng paghahahandang pangmilitar at iba pang kaugnay na bagay.

Nagtamo ng mala-awtonomong kalagayan ang Cebu sa ilalim ng Philippine Commonwealth noong 1935, nang maging ikalawang pangulo si Sergio Osmeña. Magiging mahalagang kuta naman ng hukbong Hapones ang Cebu noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil makapal ang populasyon nito, at estratehikong pook sa pagdaong ng mga barkong pandigma ng Japan.

Sa kasalukuyan, ang Lungsod Cebu ay nagtatamo ngayon ng mabilis na pag-unlad sa iba't ibang larangan, at kahit sa larangan ng politika'y umugit nang malalim dahil sa kakayahan nitong maimpluwensiyahan kahit ang pampanguluhang halalan.

Sanggunian

  • Cebu(hinango noong 23 Nobyembre 2007).
  • Blair, Emma Helen at Robertson, James Alexander. The Philippine Islands 1493–1898. Mandaluyong, Rizal: Cacho Hermanos, Inc. Vol 1, p. 44.
  • Blair, Emma Helen at Robertson, James Alexander. The Philippine Islands Vol II, (1493-1529) pp. 172-173. "Proclamation Regarding Treasure, Order to make Declaration of the Gold Taken from the Burial-Places of the Indians."

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.