Lungsod Baguio

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Cordillera Administrative Region (CAR ) | }} {{#if: Benguet | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: 129 | }} {{#if: Baguio | }} {{#if:57.5| }} {{#if:252,386| }} {{#if:5,151| }} {{#if:| }}
Lungsod Baguio {{ #if: |
{{{sealfile}}}

}}

Lokasyon
Ph locator benguet baguio.png{{#if:}}
Pamahalaan
Rehiyon Cordillera Administrative Region (CAR )
Lalawigan Benguet
Distrito
Alkalde
Pagkakatatag
Barangay 129
Website Baguio
Pisikal na Katangian
Saklaw 57.5 km²
Populasyon
Kabuuan (2000) 252,386
Densidad 5,151/km²
Mga coordinate {{{coordinates}}}


Siyudad ti Baguio sa wikang Ilokano ang Lungsod Baguio. Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.

Nasa hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at ang Tuba sa timog at kanlurang bahagi.

Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa katawan ng kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na burol o bundok; sa mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa mga pagkaing sariwa't nalalahukan ng mga sariwang gulay at pampalasa. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at pananaw na pawang lalong nagpasigla sa turismo.

Mga nilalaman

Heograpiya

Tinatayang may 250 kilometro ang layo ng Baguio mulang Maynila. May 49 kilometro kuwadrado ang saklaw nito. Ang pinakamataas nitong pook ay nasa 1,400 metro ang taas mula sa rabaw ng dagat.

Estrukturang pampolitika

May dalawampung administratibong distrito ang Baguio at mula rito ay maibubukod ang maliliit na barangay.

Klima

Mababa nang 8 grado ang temperatura ng Baguio kompara sa mga pook na nasa kapatagan. Maulan dito pagsapit ng Hunyo hanggang Setyembre. Ngunit pagsapit ng Oktubre hanggang Mayo ay nagiging mahalumigmig ang simoy, at siyang dinarayo ng mga turista upang takasan ang init at polusyon ng Metro Manila.

Turismo at mga lugar na sikat sa Baguio

right|thumb|200px|Mines View Park right|thumb|200px|Lions Head right|thumb|200px|Groto right|thumb|200px|Wright Park right|thumb|200px|Baguio Cathedral

  • Mines View Park ay isa sa kilalang pasyalan sa Baguio, sa mataas na lugar na ito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang nakapalibot na kabundukan sa Lungsod Baguio.
  • Burnham Park ay matatagpuan sa sentro ng Lungsod Baguio, isa itong paboritong pasyalan ng mga turista at mga taga-Baguio. May mayroong hugis bilog na lawa sa gitna ng pasyalang ito, na maaring umupa ng banka kung nais maglibot. May lugar din kung nais magbisikleta, maglaro ng Football, magbasketbol, magtennis, ta mayroon din lugar kung nais magskating. May mga kainan at palaruan para sa mga bata ang pasyalang ito. Ipinangalan ang pasyalang ito kay Daniel Burnham, na isa sa nagdisenyo ng Baguio.
  • Session Road ay ang pangunahing lansangan sa Lungsod Baguio, dito matatagpuan ang halos lahat ng mga negosyo sa Baguio.
  • Wright Park ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod Baguio, na nakaharap sa pangunahing tarangkahan ng "Mansion". Pangunahing atraksiyon ng pasyalang ito ang mahabang sanaw sa gitna nito, na kung tawagin ay "Pool of Pines". May nakahilerang pino sa gilid ng sanaw at napalalamutian ng makukulay na bulaklak. May ilang Igorot na maaaring upahan kung nais magpakuha ng retrato kasama sila. Sa ibaba naman ng pasyalang ito ay makauupa rin ng kabayo kung nais maglibot.
  • Kennon Road ang isa sa tatlong pangunahing lansangan patungong Lungsod Baguio, kung magmumula sa Kalakhang Maynila. Ang Marcos Highway at ang Naguilian Road naman ang alternatibong daan patungong Baguio. Mas pinipiling daan ito ng mga nagnanais makarating sa Baguio dahil sa mga likas na tanawin. Habang binabagtas ang Kennon Road, makikita ang Lions Head, ang Bued River Gorge, ang Veil Falls, ang Twin Peaks, at ang ilang tindahan ng pasalaubong.
  • Lourdes Groto ay isa sa mga lugar na paboritong puntahan ng mga deboto sa Lungsod Baguio upang magdasal. Matatagpuan ito sa mataas na burol sa kanlurang bahagi ng Baguio. Tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo, maraming Katolikong deboto ang pumupunta rito upang akyatin ang may 252 baitang na hagdan patungo sa kinalalagyan ng Mahal na Birhen, upang magtirik ng kandila sa altar.
  • Camp John Hay ay kampong unang itinayo upang maging pook-aliwan ng mga sundalo ng Department of Defense ng Estados Unidos. Noong 1 Hunyo 1991, ang 690 ektaryang kampong ito ay pormal na ibinigay sa Pamahalaan ng Filipinas na pinangangasiwaan ng Philippine Tourism Authority, at ngayon ay isinalin na sa pamamahala ng Bases Conversion Development. Sa kasalukuyan, maaaring maglaro ng golf sa loob nito, o kaya'y umupa ng kuwarto at iba pang pasilidad na maaring paglibangan.
  • The Mansion ay matatagpuan sa silangan bahagi ng Baguio. Ito ay nasa kahabaan ng Leonard Wood Road at nasa tapat ng Wright Park. Itinayo ang The Mansion noong 1908 para sa mga Amerikanong gobernador-heneral, at nasira noong 1945 habang nagaganap ang pagpapalaya sa Filipinas. Noong 1947, ipinaayos ito ng Pamahalaang Filipinas, at magmula noon ay ito na ang naging opisyal na tirahan ng Pangulo ng Filipinas kung sila ay mapupunta sa Lungsod Baguio. Ang magarang mansiyon na ito ay ginagad sa Buckingham Palace na matatagpuan sa Britanya.
  • The Baguio Convention Center ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Baguio, na may ilang hakbang lamang sa Baguio Tourism Complex at nasa tapat nito ang Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio. Noong 1978, dito ginanap ang World Chess Championship, na tinampukan nina Anatoly Karpov at Victor Korchnoi ng bansang Russia.
  • Baguio Catholic Cathedral ay ang pinakamalaking simbahan ng mga katoliko sa Lungsod Baguio, na matatagpuan sa ibabaw ng isang burol sa loob mismo ng lungsod. Ang kulay rosas nitong tuktok ang kalimitang pang-akit sa mga mahilig kumuha ng retrato.
  • Baguio Public Market ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng Session Road, na katabi ng Maharlika Center. Sa pamilihang ito ay maraming mabibiling gulay, katutubong produkto, at minatamis na pagkain. Peanut Brittle, Strawberry Jam, Ube Halaya, sariwang strawberry, sariwang gulay, walis tambo, damit pangginaw, alahas na gawa sa pilak ay ilan lamang sa mga produkto na mabibili sa pamilihang ito.
  • Lion's Head na matatagpuan sa kahabaan ng Kennon Road, ay ipinagawa ng mga kasapi ng Lion's Club Baguio, na sumisimbolo sa kanilang pananatili sa Lungsod Baguio. Sa kinalalagyan nito ay makapagpapakuha ng retrato at may mabibilhan din ng mga pasalubong.
  • Baguio Botanical Garden, na kilala rin bilang Igorot Village, ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod Baguio, na makikita sa pagitan ng Teacher's Camp at ng Pacdal Circle. Sa loob nito ay maraming makikitang uri ng halaman at nagsasayaw na Igorot na nakasuot na nakabahag.
  • Teacher's Camp, na matatagpuan sa kahabaan ng Leonard Wood Road, ay isang malaking lugar na inilaan sa mga guro na nais magsanay. Sa loob nito may mga dormitoryo, silid-aralan, bahay bakasyunan at iba pang pasilidad na makakatulong sa mga guro na nagnanais magsanay sa lugar na ito.
  • Rizal Park ay inilaan ng mga taga-Baguio para sa pambansang bayani na si Jose Rizal. Matatagpuan ang parke sa pagitan ng Burnham Park at ng Kapitolyo ng Lungsod Baguio.
  • Good Shepherd Convent ay matatagpuan sa barangay Mines View, na ang pangunahing lagusan ay nasa Gibraltar Road na malapit lamang sa mga bilihan ng pasalubong ng Mines View Park. Ang Good Shepherd Convent ay kilala sa mga produkto nilang peanut brittle, ube jam, istroberi jam, at iba pang pasalubong, na ginawa mismo ng mga madre sa loob ng kumbento. Ang salaping nalilikom ng mga madre ay ginagamit sa iba't ibang proyektong makatutulong sa mga nangangailangan.

Mga barangay

Ang Lungsod Baguio ay may 129 barangay

  • Apugan-Loakan
  • Asin Road
  • Atok Trail
  • Bakakeng Central
  • Bakakeng North
  • Happy Hollow
  • Balsigan
  • Bayan Park West
  • Bayan Park East
  • Brookspoint
  • Brookside
  • Cabinet Hill-Teacher's Camp
  • Camp Allen
  • Camp 7
  • Camp 8
  • Campo Filipino
  • City Camp Central
  • City Camp Proper
  • Country Club Village
  • Cresencia Village
  • Dagsian, Upper
  • DPS
  • Dizon Subdivision
  • Quirino Hill, East
  • Engineers' Hill
  • Fairview Village
  • Fort del Pilar
  • General Nalasa, Upper
  • General Nalasa, Lower
  • General Luna, Upper
  • General Luna, Lower
  • General Bacleon
  • Gibraltar
  • Greenwater Village
  • Guisad Central
  • Guisad Sorong
  • Hillside
  • Holy Ghost Extension
  • Holy Ghost Proper
  • Imelda Village
  • Irisan
  • Kayang Extension
  • Kias
  • Kagitingan
  • Loakan Proper
  • Lopez Jaena
  • Lourdes Subdivision Extension
  • Dagsian, Lower
  • Lourdes Subdivision, Lower
  • Quirino Hill, Lower
  • General Emilio F. Aguinaldo
  • Lualhati
  • Lucnab
  • Magsaysay, Lower
  • Magsaysay Private Road
  • Aurora Hill Proper
  • Bal-Marcoville
  • Quirino Hill, Middle
  • Military Cut-off
  • Mines View Park
  • Modern Site, East
  • Modern Site, West
  • New Lucban
  • Aurora Hill, North Central
  • Sanitary Camp, North
  • Outlook Drive
  • Pacdal
  • Pinget
  • Pinsao Pilot Project
  • Pinsao Proper
  • Puliwes
  • Pucsusan
  • MRR-Queen Of Peace
  • Rock Quarry, Lower
  • Salud Mitra
  • San Antonio Village
  • San Luis Village
  • San Roque Village
  • San Vicente
  • Santa Escolastica
  • Santo Rosario
  • Santo Tomas School Area
  • Santo Tomas Proper
  • Scout Barrio
  • Session Road Area
  • Slaughter House Area
  • Sanitary Camp South
  • Saint Joseph Village
  • Teodora Alonzo
  • Trancoville
  • Rock Quarry, Upper
  • Victoria Village
  • Quirino Hill, West
  • Andres Bonifacio
  • Legarda-Burnham-Kisad
  • Imelda R. Marcos
  • Lourdes Subdivision, Proper
  • Quirino-Magsaysay, Upper
  • A. Bonifacio-Caguioa-Rimando
  • Ambiong
  • Aurora Hill, South Central
  • Abanao-Zandueta-Kayong-Chugum
  • Bagong Lipunan
  • BGH Compound
  • Bayan Park Village
  • Camdas Subdivision
  • Palma-Urbano
  • Dominican Hill Mirador
  • Alfonso Tabora
  • Dontogan
  • Ferdinand
  • Happy Homes
  • Harrison-Claudio Carantes
  • Honeymoon
  • Kabayanihan
  • Kayang-Hilltop
  • Gabriela Silang
  • Liwanag-Loakan
  • Malcolm Square-Perfecto
  • Manuel A. Roxas
  • Padre Burgos
  • Quezon Hill, Upper
  • Rock Quarry, Middle
  • Phil-Am Compound
  • Quezon Hill Proper
  • Middle Quezon Hill Subdivision
  • Rizal Monument Area
  • SLU-SVP Housing Village
  • South Drive
  • Magsaysay, Upper
  • Market Subdivision, Upper
  • Padre Zamora

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.