Lungsod Angeles

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Gitnang Luzon (Rehiyon III) | }} {{#if: Pampanga | }} {{#if: Unang distrito na Pampanga | }} {{#if: Carmelo Lazatin | }} {{#if: 8 Disyembre 1829 | }} {{#if: 33 | }} {{#if: | }} {{#if:66.16| }} {{#if:263,971| }} {{#if:3,989| }} {{#if:| }}
Lungsod Angeles {{ #if: |
{{{sealfile}}}

}}

Lokasyon
Ph locator pampanga angeles.png{{#if:}}
Pamahalaan
Rehiyon Gitnang Luzon (Rehiyon III)
Lalawigan Pampanga
Distrito Unang distrito na Pampanga
Alkalde Carmelo Lazatin
Pagkakatatag 8 Disyembre 1829
Barangay 33
Website
Pisikal na Katangian
Saklaw 66.16 km²
Populasyon
Kabuuan (2000) 263,971
Densidad 3,989/km²
Mga coordinate {{{coordinates}}}


Ciudad Ning Angeles sa wikang Kapampangan ang Lungsod Angeles, na isa sa lungsod ng lalawigan ng Pampanga. Dito matatagpuan ang Bulkang Pinatubo na pumutok noong Hunyo 1991, na nakapagtala bilang ikalawang pinakamapinsalang pagputok ng isang bulkan ng 20 siglo.

Ayon sa rekord ng census noong 2000, ang populasyon nito ay umaabot sa 267,788 katao at 56, 575 kabahayan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Noong 1796, ang Kapitan-Mayor ng San Fernando na si Don Angel Pantaleon de Miranda, kasama ang kanyang asawa at ilang tagasunod, ay nagtungo sa isang bagong lugar na pinangalanan nilang Kuliat, dahil sa dami ng halamang Kuliat sa lugar na iyon. Ito ay matatagpuan 20 milya sa hilaga ng kabisera ng Pampanga, at nanatiling isang barrio ang Kuliat ng San Fernando sa sumunod na 33 taon. Noong 1829, naging hiwalay ito na bayan at pinalitan ang pangalan nito ng Angeles. Noong ika-8 ng Disyembre, 1829, nang matanggap nito ang opisyal na municipal charter, ang bayan ay mayroon ng 661 katao, 151 bahay at sukat na 38.65 km2.

Nanatiling maliit na lugar ang Angeles hanggang matapos ang Ikalawang Pandigmaang Pandaigdig, bago ito pumasok sa yugto ng biglaang paglaki at pag-unlad na nagresulta sa kasalukuyang bansag sa siyudad na “Premier City in Central Luzon”. Ang unang pamahalaang Amerikano sa Angeles ay itinatag ni Heneral Frederick D. Grant noong ika-1 ng Enero, 1900. Nakalipas ang 64 taon at natanggap ng Angeles ang opisyal na Philippine Recognition bilang isang siyudad.

Malaking bilang ng mga Amerikano ang piniling manatili sa Angeles, partikular sa distrito ng Balibago, matapos makamit ng bansa ang kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1946. Nanatiling mataas ang populasyon ng mga Amerikano hanggang sa kalagitnaan ng dekada 90s dahil sa Clark Air Base. Noong panahon nang pananakop ng mga Amerikano (1898-1946), umabot sa mahigit 800,000 ang mga Amerikanong ipinanganak sa Pilipinas. Sa katunayan, malaking bilang ng mga Pilipino na may lahing Amerikano ang nananatili sa mga lugar ng dating kampo ng Amerika sa Clark Field.

Maging sa simula pa lamang ng pagkakatatag sa Clark Air Base, kilala na ang Angeles bilang sentro ng prostitusyon. Lalo pang lumakas ang industriyang ito pagkatapos ng Ikalawang Pandigmaang Pandaigdig. Noong 1991, labis na naapektuhan ang siyudad sa pagputok ng Bulkang Pinatubo, kung saan 60,000 katao ang inilikas. Dahil dito, inilikas din ng Estados Unidos ang kanilang militar at mga tauhan at tuluyan nang iniwan ang Clark Air Force Base, na labis na nasira at natabunan ng lava at lahar ng panahong iyon.

[baguhin] Mga Barangay

Ang Lungsod ng Angeles ay nahahati sa 33 barangay.

  • Agapito del Rosario
  • Anunas
  • Balibago
  • Capaya
  • Claro M. Recto
  • Cuayan
  • Cutcut
  • Cutud
  • Lourdes North West
  • Lourdes Sur
  • Lourdes Sur East
  • Malabanias
  • Margot
  • Mining
  • Pampang (Sto. Niño)
  • Pandan
  • Pulungbulu
  • Pulung Cacutud
  • Pulung Maragul
  • Salapungan
  • San Jose
  • San Nicolas
  • Santa Teresita
  • Santa Trinidad
  • Santo Cristo
  • Santo Domingo
  • Santo Rosario (Pob.)
  • Sapalibutad
  • Sapangbato
  • Tabun
  • Virgen Delos Remedios
  • Amsic
  • Ninoy Aquino (Marisol)

[baguhin] Ekonomiya

Ang ekonomiya ng Angeles ay umunlad sa nagdaang dekada, dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon at sa pagtatapos ng modernong highway na nakatulong upang umunlad ang kalakalan at transportasyon. Mga call center at mga opisina ng mga industriya ng IT ang ilan sa mga namumuhunan sa siyudad. Mayroon din itong industriya ng paggawa ng cottage, kasama na ang produksyon ng mga kasangkapang gawa sa rattan. Ang siyudad ay malakas din sa produksyon ng coconut, charcoal at briquettes. Ilang industriya ay kinabibilangan din ng paggawa ng electronics at computers.

Kabilang pa rin sa pangunahing industriya ang prostitusyon, bukod pa sa tinatawag nilang night entertainment na kinabibilangan ng iba’t ibang bar, karaoke at mga lokal na pub. Ang siyudad ay isa rin sa may pinakamaraming di-lokal na kainan tulad ng Pizza Hut, McDonalds, Kentucky Fried Chicken, at iba pa. Karamihan sa mga night entertainment na ito ay matatagpuan sa Balibago. Libu-libong kababaihan ang nagtatrabaho sa distritong ito, kaya naman napasama sa listahan ng top sex tourism destination sa Asya.

Isa sa maipagmamalaki ng Angeles ay ang kanilang Casino Filipino.

[baguhin] Mga pista at lokal na selebrasyon

  • Philippine International Hot-Air balloon Fiesta
  • La Naval Fiesta
  • Fiestang Apu
  • Tigtigan Terakan keng Dalan
  • Sisig Festival

[baguhin] Mga sikat na personalidad mula sa Angeles

  • Lea Salonga
  • Apl.de.ap (Allan Pineda Lindo)
  • Vanessa Minnillo
  • Jean Garcia
  • Efren “Bata” Reyes
  • Cris Judd
  • Eliza Pineda
  • Arwind Santos
  • Donita Rose

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.