Lugmok na ang Nayon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Lugmok na ang Nayon ni Edgardo M. Reyes ay kabilang sa antolohiyang Mga Agos sa Disyerto, kasama ang apat pa niyang kuwento at mga kuwento ng apat pang kuwentista: sina Efren Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordoñez, at Rogelio R. Sicat. '

Mga nilalaman

[baguhin] Buod

Dalawang binata, sina Vic/Inte at ang isinama sa biyahe na siyang tagapagsalaysay, ang tumungo sa Sapang-Putol, isang liblib nayon sa bayan ng San Manuel—isandaang kilometro mula Maynila.

Naparito si Vic/Inte pagkat napag-utusan ng kanyang pamilya mula sa lungsod na ipamalitang ikakasal na ang kanyang Kuya Selmo sa darating na Sabado. Tradisyon sa kanila na kapag ibinalitang may ikakasal o kung anumang okasyon ay marapat na magbigay ng kung anumang makakaya ang kamag-anak ng may okasyon.

Isinama ni Vic/Inte ang isang kaibigan sa byaheng ito. Ilalarawan ng kaibigan ang maalinsangang kaligiran bago dumating sa Sapang-Putol, ang layo ng Sapang-Putol mula sa sentro ng bayan ng San Manuel, ang hikahos na kalagayan ng mamamayan sa liblib na nayong iyon, ang mainit na pagtanggap ng mamamayan sa kanilang mga bisita. Ngunit sa dakong huli, ang paglabas ng ani ng mga kamag-anak ni Vic na kanyang dadalhin sa Maynila—kalahating kabang bigas na milagrosa, isang litsuning baboy, dalawang kambig, isang kilang na manok, walong pato, dalawang pabo, at dalawang bayong ng sari-saring gulay.

Ayon sa huling pangungusap ng kuwento: At sa Sabado, ito'y pagpapasasaan at sasandat sa maraming tagalunsod.

[baguhin] Ilang Pagsusuri

Sinasabing isang parasitiko ang lungsod[1]—nabubuhay sa ani ng mga nayon sa paligid nito; at ang mga nayon sa paligid nito ay wala namang napapakinabangan sa lungsod. Sa madaling sabi, ginagatasan ng lungsod ang nayon[2]. Ngunit hindi lamang basta ginagatasan, buong pagmamataas pang ginagatasan habang inuuyam ang gayong kalagayan (San Juan 1974, 101). Ang ugnayang ito ay lantad na lantad sa katauhan ni Vic/Inte pagkat alam na alam niya—nakangiti pa—na kailangan niya lamang sabihing ikakasal ang Kuya Selmo niya at magsisipagbigayan na ng kanikanilang handog ang mga naghihirap niyang kamag-anak.

[baguhin] Sanggunian

  • Reyes, Edgardo M. Lugmok na ang Nayon. Nasa Mga Agos sa Disyerto, Abueg, et. al. Limbagang Pilipino. San Juan. 1964. pp39-46.
  • Reyes, Edgardo M. Lugmok na ang Nayon. Nasa 12 Maiikling Katha, Genoveva E. Matute at Onofre Pagsanjuan [n.p.]. 1965. pp89-90.
  • San Juan, Epifanio, Jr. Introduction to Modern Pilipino Literature. Twayne Publishers, Inc. United States of America. 1974. p.101

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.