Lucrecia R. Kasilag

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Lucrecia R. Kasilag (Picture from ([1]).

Si Lucrecia Roces Kasilag, isang kompositor, guro at Pambansang Alagad ng Sining, ay ang itinuturing na “First Lady of Philippine Music”. Pinagsanib niya ang etnikong musika ng mga Pilipino sa musikang Kanluranin, gamit ang mga katutubong instrumento. Malaki ang naiambag niya sa pag-unlad ng musikong Pilipino sa bansa.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak si Kasilag noong 31 Agosto 1918 sa San Fernando, La Union at pangatlo sa anim na anak nina Marcial Kasilag, Sr at Asuncion Roces. Ang kanyang ina ang naging pangunahing impluwensiya niya sa pagkakahilig sa musika. Sa murang edad, natuto na siyang tumugtog ng bandurria at gitara.

Nagtapos siya ng may pinakamataas na karangalan mula sa Paco Elementary School noong 1930 at sa Philippine Women's University (PWU) noong 1933. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa PWU at nagtapos ng Batsilyer sa Sining sa Ingles bilang cum laude. Natamo naman niya ang kanyang music teacher's diploma mula sa St. Scholastica's College of Music at naipadala sa isang Asian Tour ni Alfredo Lozano. Nag-aral siyang muli at nakamit ang kanyang Batsilyer sa Musika mula sa PWU at master of music degree sa Eastman School of Music, University of Rochester sa New York noong 1950 sa ilalim ng Fulbright Travel Grant.

[baguhin] Karera

Nagturo si Kasilag sa St. Scholastica's College at Assumption College mula 1939 hanggang 1941; sa PWU, 1939-1944; sa Unibersidad ng Pilipinas Konserbatoryo ng Musika, 1946-1947; at naging dean ng PWU College of Music and Fine Arts mula 1953 hanggang 1977.

Nagsilbi siyang artistic director at presidente ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1969-1986; at special consultant nito mula 1986-1989; chair ng League of Filipino Composers; presidente ng National Music Council of the Philippines, 1973-1983; executive secretary ng Regional Music Commission of Southeast Asia, 1953-1956; presidente ng Philippine Society for Music Education, 1972-1975; chair ng Committee on Culture, UNESCO National Commission of the Philippines, 1972-1986; chairman emeritus ng Asian Composers League, 1990-1992; at presidente ng National Music Competition for Young Artists Foundation.

[baguhin] Ilang mga Gawa

  • Toccata for percussions and winds, 1958
  • Divertissement for piano and orchestra, 1960
  • Legend of the Sarimanok, 1963
  • Filiasiana, choral dance kaleidoscope, 1964
  • Dularawan, 1969
  • Her Son, Jose, 1976
  • Sisa – ballet music, 1976
  • Love Songs
  • Philippine Scenes
  • East Meets Jazz Ethnika

[baguhin] Mga Parangal

  • Presidential Award of Merit as Woman Composer, 1956
  • Republic Cultural Heritage Award sa musika para sa kanyang Toccata for percussions and winds, 1960 at Misang Pilipino, 1966
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan award, 1954 at 1973
  • Doctor of Music, Honoris Causa, mula sa Centro Escolar University, 1975
  • Doctor of Law, Honoris Causa, mula sa PWU, 1980
  • Doctor of Fine Arts, Honoris Causa, mula sa St. John’s University sa New York, 1981
  • Outstanding Filipino Award for the Arts mula sa Philippine Jaycee Senate International, 1991
  • Pambansang Alagad ng Sining sa musika, 1989

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.