Lihim ng Isang Pulo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Lihim ng Isang Pulo (1926) ang isa sa mahahalagang nobelang sinulat ni Faustino Aguilar, at pumapaksa sa sinaunang pampolitika't pangkulturang kalagayan ng mga Tagalog bago pa man dumating ang mga Espanyol sa kapuluan. Umiinog ang istorya sa kahariang tinawag na "Lambak" na pinamumunuan ni Haring Ladyo. Si Hinahon, ang bida, ang nagsilbing tagapagtanggol ng kaharian laban sa mga piratang pinamumunuan ni Lakan Kislap. Pinagnasahang maangkin ni Lakan Kislap si Luningning, na anak ni Haring Ladyo, ngunit ang dalaga'y pinili si Hinahon na nakilala niya sa taguring Hiwaga. Samantala, anumang reklamo ni Hinahon ay isinantabi lamang ng hari, at pinalayas ang binata sa loob ng kaharian. Nagtungo sa Mabuso sa Hintatalo si Hinahon, at doon ay naging tagapagtanggol siya ng mga biktima ng kawalang-katarungan at karahasan. Nakipagtulungan si Hinahon kay Balaho, na dating kasama ni Lakan Kislap, at binihag ang mga pirata. Nagtagumpay ngunit nasugatan si Hinahon sa bakbakan. Nagpakasal si Luningning kay Gat Tarik, ang pinuno ng hukbong tumalo sa mga pirata, subalit nanatili pa rin ang pag-ibig ng naturang dilag kay Hinahon. Mamamatay si Luningning at ililibing sa libingan ni Hinahon. Itatanghal naman ng bayan ang kalagayan ng magkasintahan sa pagiging "inmortal".

Sanggunian

  • Aguilar, Faustino. Lihim ng Isang Pulo, na nalathala noong 1926.

Panlabas na kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.