Leptospirosis outbreak kumpirmado

Mula Wikifilipino

Kinumpirma ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagkalat ng sakit na leptospirosis sa Metro Manila, ilang bahagi ng Rizal at Calabarzon bunga ng baha na resulta ng bagyong Ondoy. Sinabi ni Francisco Duque III, Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na mabilis ang naging pagkalat ng nasabing sakit sa Marikina, lalo na sa mga lugar ng Tumana, Concepcion at Malanday. Sinabi rin niyang maituturing na outbreak ang nangyari sa Marikina dahil walang ganitong kaso noong taong 2008 sa lugar. Magsisimulang mamigay ng libreng doxycycline anibiotic drugs o mga gamot na panlaban sa leptospirosis sa Marikina. Tinamaan ng nasabing sakit ang malaking bilang ng tao sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo. Naitalang nasa 1,027 na ang may kaso ng leptospirosis at 89 na ang binawian ng buhay. Isang milyong tao sa parte ng Calabarzon ang nasa peligrong magkaroon ng leptospirosis at 700,000 naman na tao sa Metro Manila ang maaaring makakuha ng sakit na ito.

Leptospirosis

Ang leptospirosis ay nagmumula sa maruming tubig na mayroong ihi ng hayop na may impeksyon gaya ng daga. Pumapasok ang bakterya sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga bukas na sugat. Ang mga taong mayroong leptospirosis ay kinakikitaan ng mga sintomas tulad ng panlalamig, sakit sa tiyan, pagsusuka at pagdudumi. Kapag lumala ang nasabing sakit ay nauuwi ito sa pagkasira ng atay o bato, na maaaring humantong sa kamatayan.

Isang paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng leptospirosis ay ang pag-iwas sa pagdaan sa mga lugar na may kontaminadong tubig.

Sanggunian

Pagkilala

Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.
Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
Proyekto Vibal Foundation
 Taguyod