Leila de Lima

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Leila de Lima.jpg


Si Leila de Lima ay ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan. Ina siya ng dalawang lalaki, sina Israel at Vincent Joshua, at lola nina Brandon at Hannah.


Mga nilalaman

[baguhin] Kabataan

Isinilang si de Lima noong 27 Agosto 1959 sa Lungsod Iriga, Camarines Sur. Siya ang pinakamatandang anak na babae ng dating Komisyoner ng Komisyon sa Halalan na si Vicente B. de Lima at Norma E. Magistrad.


[baguhin] Edukasyon

Nagtapos si de Lima sa La Consolacion Academy sa Iriga pati na ang Agham sa Pulitika sa De La Salle University noong 1980. Nakamit niya ang ikawalong pwesto sa pagsusulit sa bar noong 1985 matapos ang kanyang degree sa abogasya sa San Beda College ng taong ding iyon.

[baguhin] Serbisyo Publiko

[baguhin] Komisyon sa Karapatang Pantao

Bago maging kalihim ng DOJ, naupo bilang tagapangulo sa Komisyon sa Karapatang Pantao (Commission on Human Rights o CHR) si de Lima mula 2008 hanggang Hunyo 2010. Naging aktibo si de Lima sa pagsasalaysay tungkol sa dumaraming kaso ng mga pagpatay nang hindi ayon sa batas, sapilitang pagkawala at pagpapahirap noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Kinilala siya ng GMA Network bilang “Public Servant” ng Taong 2009 dahil sa kanyang reputasyon bilang nangunguna sa pakikipaglaban sa karapatang pantao.

Sa kabila ng kanyang mga natanggap na pagkilala, inakusahan si de Lima ng partidong Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) ng pagpabor sa Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines o CPP) bunga ng kanyang relasyon kay Julieta de Lima, asawa ng tagapagtaguyod ng CPP na si Jose Maria Sison.

[baguhin] Kagawaran ng Katarungan

Noong 30 Hunyo 2010, itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si de Lima para pamunuan ang DOJ. Sa kanyang panunungkulan bilang kalihim, sinimulan niya ang paghahalungkat sa kaso ng Maguindanao Massacre. Sa imbestigasyon, inilantad ni de Lima ang di umano'y panunuhol ng isang “emissary” ng mga Ampatuan sa isang testigo. Ipinag-utos din niya ang muling pagbasa sa kaso ng Morong 43 at ang pagkakaaresto kay Senador Panfilo Lacson patungkol sa kasong pagpatay kina Dacer at Corbito.

Noong Oktubre 2011, inatasan ni de Lima ang Kawanihan ng Pandarayuhan para ilagay si Kong. Gloria Macapagal-Arroyo at dating Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo sa watchlist sa kasong pandarambong at pananabotahe sa halalan. Bago ito, isinailalim na rin sa watchlist ang anak ng mga Arroyo na sina Juan Miguel Arroyo at asawa nitong si Angel sa kasong hindi pagbayad ng buwis.

Una nang plinano ni Arroyo na magpagamot sa ibang bansa para sa kanyang problema sa galugod. Sinabi niyang unconstitutional ang pagsasailalim sa kanya sa watchlist dahil nananatiling nakabinbin ang kanyang kasong pandarambong sa DOJ at hindi pa tuluyang naisasampa sa Sandiganbayan. Subali't sa rekomendasyon ng Kagawaran ng Kalusugan, idiniin ni de Lima ang “pambansang interes” sa pagpapalabas ng kautusan. Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni Arroyo para sa isang temporary restraining order (TRO) laban dito, na pinagbigyan naman ng korte sa botong 8-5.

Sa kabila nito, nagmatigas si de Lima at pinakiusapan ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa pamamagitan ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon na pigilan ang mga Arroyo sa paglabas ng bansa. Nagbunga ito sa isang komosyon sa Ninoy Aquino International Airport noong 15 Nobyembre 2011, nang hindi payagang makasakay ng eroplano patungong Singapore sina GMA at FG dahil sa pagpigil ni de Lima.

Dahil dito, inakusahan si de Lima ng mga Arroyo na hindi nirespeto ang kautusan ng Korte Suprema at pangunahing karapatang pantao ng mag-asawang Arroyo. Sinalungat naman ni de Lima ang Korte sa pagsasabing walang naganap na argumento bago ang pagpapalabas ng TRO.


[baguhin] Nominasyon bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema

Nakakuha si De Lima ng anim na nominasyon at tatlong pagsalungat na sulat para sa kanyang nominasyon bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Narito ang ilan sa mga binanggit na dahilan na sinabi ng mga sulat:

  • Bilang may kaugnayan sa Pangulo, hindi siya maaaring walang kikilingan at walang kalayaan
  • Hindi niya sinunod ang TRO ng Korte Suprema para sa pag-alis ni GMA noong 2010
  • Mayroon siyang mga nakabinbing kaso ng pagsasawalang-bisa ng bar na may kinalaman sa mga binitiwang salita laban sa dating Punong Mahistrado Renato Corona
  • Mayroon siyang nakabinbing tatlong kaso ng katiwalian na kailangan pang ibasura ng Judicial and Bar Council


[baguhin] Ibang mga naging Posisyon

  • Dalub-guro sa Batas (Election Law, Business Organizations, Persons and Family Relations, Transportation Law, Statutory Construction), San Beda College Kolehiyo ng Abogasya, 1986 – 1994, 2006 – 2007
  • Partner, De Lima Law Firm, 1998 – 2008
  • Junior Partner, Roco, Buñag, Kapunan and Migallos, 1995 – June 1998
  • Junior Associate, Jardeleza Law Offices, 1991 – 1992
  • Junior Associate, Jardeleza Sobreviñas Diaz Hayudini and Bodegon Law Offices, 1989 – 1991
  • Confidential Attorney, Supreme Court Associate Justice Isagani A. Cruz, 1986 – 1989


[baguhin] Mga Parangal at Pagkilala

  • "Man of the Year" para sa taong 2010, Philippines Graphic magazine
  • Gawad Lingkod Masa Awardee, 2010
  • 2010 Metrobank Foundation Professorial Chair for Public Service and Governance
  • Parangal para sa Mahusay na Serbisyo Publiko, Defender of People’s Rights, “Agent of Change,” 2010
  • Parangal sa Serbisyo Publiko ng Taon ng GMANews TV, 2009
  • Philippine Quality Service Award of Excellence, 2009
  • Sumagang Award para sa Natatanging Tagumpay sa Paninilbihan sa Pamahalaan, 2009
  • 3rd Bayi Citation, 2009
  • Raul S. Roco Award para sa Kahusayan sa Serbisyo Publiko, 2009
  • Urban Poor Person of the Year Award, 2008


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Panlabas na Kawing


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.