Lechon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Lechon

Ang Lechon o Roasted/Suckling pig sa Ingles ay isa sa mga paboritong putahe na inihahain sa mga handaan, salu-salo, mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at lalong-lalo na sa mga pista. Ito ay madalas na inihahanda sa gitna ng hapag-kainan na nakakapanghalina sa mga bisita. Ang baboy na ginagamit upang gawing lechon ay kadalasang may timbang mula 4-5 kilo.

Ang baka at manok at kilala din sa ganitong paraan ng pagluto na tinatawag na Lechon Baka at Lechon Manok.

Sa kasalukuyan, ang halaga ng lechon ay umaabot mula isang libong piso (lechon de leche - para sa mahigit 20 katao) hanggang limang-libong piso (30 kilong baboy - para sa 100-150 katao).

Mga nilalaman

Pagluto

Pagluto ng Lechon

Ang buong baboy ay nililinis mabuti at inaalis ang mga lamang-loob. Ang loob ng baboy ay nilalagyan ng mga pampalasa tulad ng bawang, sibuyas, toyo, asin, malunggay at dahon ng saging. Ang dami ng bawat panimpla ay depende sa nais na panlasa. Kapag ang mga ito ay naisiksik na sa loob, tahiin ang pinaghiwaan sa tiyan ng baboy upang hindi tumapon ang mga sangkap habang ito ay niluluto. Pagkatapos ay tuhugin ang buong baboy sa isang mahabang kawayan na parang sa barbecue. Ito ay madalas na iniikot upang maging pantay ang pagkaluto habang pinapahiran ito ng sarsa. Pagkatapos ay iihawin ng mga dalawa hanggang tatlong oras o hanggang sa mahusto ang luto. Ang karne ng baboy ay nagiging malambot, makatas at malasa at ang balat ay tunay na napakalutong sa ganitong paraan ng pagluluto.

Ang sarap ng lechon ay hindi makukumpleto kung wala ang sarsa nito. Ang sarsang ginagamit na pangsawsaw ay gawa sa inihaw na atay na dinikdik ng pinung-pino at pinakuluan ng may kasamang paminta at asukal upang makapagbigay ng hustong linamnam na ayon sa panlasa ng Pilipino.

Ang lamang-loob na inalis sa baboy ay maaring gawing dinuguan at ang natirang lechon ay maari namang gawing lechong paksiw. Ang lechon kawali naman ay maliliit na hiwa ng baboy na prinito hanggang ito maging golden brown.

Lechon Capital

Parada ng Lechon

Ang barangay La Loma sa Lungsod Quezon ay kilala bilang Lechon Capital ng Pilipinas. Ito ay kadahilanang ang lugar na ito ay napapaligiran ng tabi-tabing establisamiyento na nagbebenta ng lechon na dinadayo ng mga dayuhan pati na rin ang mga taga-Maynila lalo na sa mga kalye ng Calavite at Amoranto. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga pamosong tindahan ng lechon na hindi lamang nagbebenta kundi ay isa na ring restorant:

Ang lechon ng Cebu ay kilala din sa pagiging masarap at ito pa nga ay idinadala sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas dahil sa pagiging in demand nito.

  • Mila's Lechon - ay ang nangungunang dealer ng lechon sa bansa. Itinatag ng mag-asawang Serafin and Antonina Cesario noong dekada '60 sa La Loma. Ipinanagalan nila ang kanilang lumalagong negosyo sa kanilang panganay na si Milagros noong 1968, kung kaya't ito ay tinawag na Mila's Lechon. Sa ngayon, sila ay patuloy na nabibigyan ng gantimpalang, Best Lechon Maker mula 1973, patunay sa kalidad ng kanilang pamosong lechon.
  • Lydia's Lechon - ay itinatag ng mag-asawang Lydia at Benigno de Roca noong 1966 namay puhunang nagkakahalaga lamang ng limang-daang piso. Ilang dekada na ang nakalipas at ito na ay ang pinakamalaking pamilihan ng lechon sa buong bansa. Ang Lydia's lechon ay mayroon ng mahigit 20 puwesto sa Metro Manila, Cavite, at Pampanga.

operating more than 20 branches in Metro Manila, Cavite, and Pampanga. With P500.00 as starting capital way back in 1966, Lydia and Benigno de Roca opened the first Lydia’s Lechon stall at the Our Lady of Sorrows Church, F.B. Harrison St., Pasay City

  • Ping-Ping's Lechon - ay naitatag ilang dekada na ang nakaraan. Isa ito sa pinakamalaking restorant na makikita sa La Loma.

Sanngunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.